Patti's POV
"Patti?" Sabi ni Jong Suk habang lumuluhod siya.
"Ba-bakit Jong Suk? Bat ka lumuluhod? Tumayo ka nga diyan, nakakahiya, madaming nakatingin." Sagot ko naman sa kanya habang nahihiya sa madaming taong nakatingin.
"Hindi, may sasabihin pa ako sayo."
"A-ano yun?"
"Will you marry me? Pat-"
"PATTEEEEHH, GISING NA! MALIGO KA NA AT MAY PASOK KA PA!" Nagising ako sa sigaw ng nanay ko.
"Whut!? Nanaginip lang ako!?" Sabi ko sa sarili ko habang namomroblema.
Tinignan ko ang wall clock at quarter to 7 na. "OH MY GOD! MAGSESEVEN NA!" Nagmadali akong pumunta ng cr para maligo. Buti nalang, di pa umaalis si Harry, kumakain pa.
Pagtapos kong maligo, di pa din nakakaalis si Harry, buti nalang. Binilisan ko na ang kain ko at lumarga na kami papunta sa CAHS, short for Corazon Avenida High School.
At yun nagkwentuhan kami ng kung anu-ano tungkol sa buhay habang papunta sa Cariño building.
"Bye Pat!" Sabi ni Harry habang papunta siya ng 2nd Floor na kung saan nandun yung room niya.
"Sige, bye!" Sabi ko naman habang karipas ng takbo papuntang room kase nga late na ako.
BINABASA MO ANG
How We Met?
AdventureThis short story tells about the life of Patti Borja. About her life, and possibly, about her lovelife. On how Patti and Travis met? On how their relationship got destroyed? What happened to them? Will Patti find a new partner in life? Who will be t...