Chapter 6: Calculator

5 0 0
                                    

Hi! Once again, I'm Patti Borja.

Patti's POV

Sad lang isipin kase hindi ko ma-spell ng tama ang name ko in Japanese. Pero, nai-spell ko naman in Korean.

~Break Time~

Break na! Pero buti nalang at hindi nantrip ngayon si Sir. Domingo at lumabas agad sya ng room pagtapos nyang magturo.

Lumabas kaming buong BLEANS para bumili ng fuds. Pag katapos naming bumili ng fuds, naglibot kami. Nilibot namin ang buong campus hanggang makabalik ulit sa room namin.

Masasabi ko na maliit ang campus namin kase isang ikotan lang, yun na yon. Wala man lang pasikot-sikot. At ang nasa gitna, ay ang field. Wala pa nga sa kalingkingan ng field ng UP ang field namin.

Pero yun na yun eh. Masaya naman dito, hindi gano'n kahirap, slightl lang.

So yun na nga. Pagkatapos naming libutin ang campus, nakabalik na kami ng room, at hindi pa time. Pagtingin ko, nandun si Debbie, si Debbie Vasquez. Isa din sya sa mga kababata ko tulad ni Harry.

Nandun si Debbie at nakadungaw sa loob ng room namin. Edi pinuntahan ko. Tumakbo ako para maabutan ko sya. Kase once na makaalis sya, babalik na sya sa room nila.

Tumakbo ako at pumunta ako sa likod niya. "Andyan po ba si Patti?" Rinig kong tanong nya sa mga kaklase ko.

"Oy! Si Patti daw!"

"Ay sorry, lumabas eh. Baka umikot."

"Ah, sige po. Thank you." Sabi ni Debbie na nanghihinayang.

Pagka-talikod nya, nagulat sya kase nandun nga ako sa likod nya.

"Uy! Nandyan ka pala."

"Whahahaha. Bat ka nandito? Sino hanap mo?"

"Ikaw day."

"Bakit?"

"Uhmmm. May calcu ka? Yung scientific calculator?"

"Uhmmm. Wait, tignan ko lang kung nadala ko. Para saan ba yan?"

"Para sa Math eh, bawal daw mag test yung walang calculator sabi ni Ma'am Marie. Pinuntahan ko na rin si Harry, naiwanan nya daw."

"Ahhhh. Sige, wait ka lang dyan."

Pumasok ako sa room at pumunta ako sa upuan ko, kase nandun yung bag ko. Kinalkal ko yung bag ko kung nandoon ba yung calculator ko. Tinignan ko sa bawat sulok ng bag ko. Kung nakaipit ba sa pagitan ng mga notebook, o kaya sa pagitan ng mga libro. Wala akong nakita.

Sinilip ko yung envelope ko. Kinalkal ko din baka naipit doon pero wala talaga. Tinignan ko ulit yung bag, baka kase may nakaligtaan akong tignan.

Kinalkal ko ulit. Tinignan ko rin yung maliit na bulsa sa harapan ng bag ko kung nandoon, pero wala.

Tumingin ako kay Debbie, nginitian ko sya at sinenyasan ko sya ng 'wait'. Tinuloy ko ang paghahanap ko, at nakita ko na rin sa wakas. Grabeng paghahanap yun, pinahirapan ako. Pero buti nalang nakita ko, nakita ko sa likod ng bag, nadaganan pala ng libro ko, tas naka ilalim pa. Kaya hindi ko kaagad nakita.

Kinuha ko na yung calculator at pumunta kay Debbie na naghihintay sa pintuan namin, at di ko akalain na kasama nya pala yung nakasandal sa poste. Nang makapunta na ako, inabot ko ang calculator ko.

"Oh. Buti nasa bag."

"Ahahahah. Kaya nga eh. Thank you ah. Balik ko mamaya. Punta ako nalang ako sa inyo ah."

"Okay."

Umakyat na si Debbie pati yung kasama nya sa taas. Biglang maya maya, napagtanto ko. Adviser nila si Ma'am Marie at first subject nila yun. How come na ngayon nya kailangan yun. Baka magtetest sya kase wala syang calcu kaninang umaga. Pero di ko na yun inisip masyado. Di ko na rin naman kailangan ng calculator mamayang Math kase tapos na namin yung test na yun, at wala kaming Math ngayun. Yehey.

Ginugol naming BLEANS ang natitirang oras sa pagkukuwentuhan kase wala na rin naman kaming kailangang gawin. Tinatamad na rin kaming libutin ang buong campus. At wala na ring bagong tinda sa canteen.

Kaya't nag-form nalang kami ng bilog gamit ang mga upuan at nagsimulang mag-usap ng kung anu ano.

Pagkatapos ng break, may pumuntang estudyante sa room namin at hinahanap si JC, ang Class President.

"Uhmmm. Sino po yung president nyo?"

"Ako po." Sabi ni JC habang papunta sa naghahanap sa kanya. "Bakit po? Ano pong kailangan nila?"

"Uhmmm. May pinapas—"

Hindi ko na narinig kung anoman yung sinabi nya kase biglang umingay sa loob ng room.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

How We Met?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon