Ako nga pala si Patti Borja. My last name is pronounced as "Borha". Madami kaseng nagkakamali sa pagbigkas ng apilyido ko. But, you can call me Patti or Pat for short.
Masasabi ko na maganda ako, pero di naman yung sobrang kagandahan tulad ni Pia Wurtzbach. Pero kung sabihin mo na kamukha ko siya, edi kamukha ko na siya.
May nakakapag-sabi nga sa akin na kamukha ko si Park Bo Young eh. Di rin naman ako katangkaran, average lang naman. Chubby din ako, pero cute. Whahahahah. And this is my story.
Patti's POV
"Bye Pat!" Sabi ni Harry habang papunta siya ng 2nd Floor ng Cariño Building na kung saan nandun yung room niya.
"Sige, bye!" Sabi ko naman habang kumaripas ng takbo papuntang room kase nga late na ako.
'Naku, late nanaman ako. Yari ako kay ma'am.' Isip-isip ko lang habang nagmamadali.
Pagpasok ko nang room, nandun na si Ma'am Salvie. Lagot na ako niyan. 😩😩
"Borja! Late ka nanaman. Pangalawang late mo na to ah. Isang late na lang, lalagyan ko na nang absent yang attendance mo." Sabi sa akin ni Ma'am habang papunta sa upuan ko.
"Opo ma'am. Sorry po." Hihihi
Buti nalang mabait si Lord. Minsan lang ako nakikita ni ma'am na late.
As always, puro turo na lang nang turo. Wala nang nagbabago. Isip isip ko, 'kailan kaya ako magkaka-lovelife?' Para naman exciting buhay ko.
I mean, nagka-bf na ko dati, pero laro laro lang yun. Di naman seryosohan. Yung nauna nga, wala na kong balita kung kami pa ba o hindi. Pagka-graduate kase namin, di na kami nakapag-usap. So yun, walang closure.
Pero okay lang yan. Tulad nga nang sabi nila, "FIGHTING!" Di ko inakala nasabi ko pala nang malakas yun. Nagtawanan tuloy mga kaklase ko. Buti nalang wala pang teacher, kakalabas lang din ni Ma'am Salvie.
Nagulat yung mga kaklase ko sa sigaw ko, tas biglang nalang nagsitawanan.
"Uy, Patti! Nananaginip ka ba nang gising?" Sabi nung kaklase ko.
"Di naman, slight lang naman." Sabi ko naman, tas bigla siyang tumawa.
Nakkuuuu. Nakakahiya. Buti nalang mga kaklase ko lang yung nandito. Kung sa labas yun, siguro pinagchismisan na ako.
~Lesson~
"Okay class, you may take your break."
Buti naman break na. Eto ang best part sa pag-aaral eh, ang break time. Madami nanamang nag-iingay, ganyan naman talaga eh.
"Uy bes, break na tayo!" Sabi nung kaklase ko dun sa kaklase ko. *Nudaw?*
So yun, dahil kapitbahay lang namin ang canteen, mabilis akong makabili.
Pumunta ako sa bilihan ng cup noodles para bumili no'n. Pag tapos, umupo ako sa table, syempre, kasama mga frienie ko.
"Nakuuu! Ang ingay dito!"
"Kaya nga eh"
"Lipat tayo sa garden"
"Halika"
Bago pa man din kami makaalis, nakita ko si Harry.
"Uy Pat! Libre mo ko." As always, ganun naman lagi.
"Lah!" Yun lang sinabi ko. Bigla siyang tumawa tapos ngumiti lang.
Binitbit niya yung kasama nya papunta dun sa bilihan nang mga chichirya. "Sigee! Bye!"
"Bye!"
Tumayo na kami, at lumabas papunta nang garden para dun kumain.
Kaso lang, biglang dumating yung president namin, si JC.
"Uy!" Sigaw niya sa amin nang para bang may nangyari, kase madaling madali siya at parang importante ang kailangan niyang sabihin.
"Hala! Bakit? Anyare?"
BINABASA MO ANG
How We Met?
AdventureThis short story tells about the life of Patti Borja. About her life, and possibly, about her lovelife. On how Patti and Travis met? On how their relationship got destroyed? What happened to them? Will Patti find a new partner in life? Who will be t...