Harry's POV
'Yes. Free Time namin ulit.' Isip-isip ko lang.
Nagpasama sa akin si Jonah kase bibili sya ng pagkain sa canteen.
Sinamahan ko sya kase bibili naman din ako.
Pagbaba namin, nakita ko si Patti.
"Uy Pat!"
Ngumisi lang si Pat.😩😩
"Pat, bad ka. Cutting ka." Pabiro kong sabi sa kanya.
"Lah. Di naman ah. Ikaw nga rin dyan eh."
"E-eh. Ah, basta." Yun nalang yung nasabi ko. "Sige! Bye."
"Sige."
Umakyat na kami ni Jonah.
Pagkatapos ng klase nagmadali agad akong bumaba para sunduin si Patti, kaso lang nakita ko siyang papaakyat.
"Halika na! Uwi na tayo." Sigaw ko sa kanya.
Hinila ko sya hanggang sa paglabas ng gate.
As always, bumili muna kami nang mga fuds sa labas ng school kase mga gutom na kami.
Pagtapos naming bumili, naglakad na kami papauwi.
"Uy Pat! Kilala mo si Travis? Travis Diones?" Tanong ko kay Patti.
"Uhmmm, hindi eh. Sino yun?"
"Ahhhh basta. Pakita ko siya bukas sayo."
"Sige. Bakit mo natanong?"
"Kase ano, wala lang. Naiinis lang ako sa kanya."
"Hala. Bakit naman?"
"Kase eto yun ah, para bang papansin siya. Eto kase yun, may inutos yung teacher namin dun sa kaklase ko na malapit sa switch. Yun yung inutusan, tapos sya tong kumaripas ng takbo para lang unahan yun."
Ilang minuto kong sinabi yung nararamdaman ko. Hanggang malapit na kaming makatawid ng highway.
Pagka-tawid namin, pumasok kami sa parang 7eleven pero nasa Shell, yung pampa-gas. Tawag naman dun "Select".
So yun, pumasok kami ni Patti para bumili. Naghanap kami doon sa loob ng pwedeng bilhin.
Nakakita kami ng Cornetto. So, yun na yung binili namin.
~Kwentuhan~
Papauwi na kami nang may makita ako. "PAT! t*e oh." Sabay turo ko dun sa jebs ng aso na nasa kalsada.
"Eww, kadiri ka. Ambaboy mo!"
"Whahahahah. Sige! Bye." Sabi ko, sabay diretso sa bahay.
"Sige! Bye."
Pagkatapos kong magbihis, dumiretso ako kila Pat para tumambay.
"UY!" Pag-gulat ko sa kanya.
Nanlaki yung mata ni Pat dahilan nang pagkatawa ko.
Naki-higa ako sa kama niya para maki-nood na rin nang kung ano man ang papanoorin niya.
"Hi Kuya Harry!" Sabi nung maliit na kapatid ni Patti.
"Oh, Baby Gee!" Sabi ko sa kanya.
Bakit naman Baby Gee? Kase ang first letter ng full name niya ay 'G', Georgina Borja ang full name niya. At yung baby, baby pa kasi sya nun nung tinatawag syang ganun. Kaya kahit malaki laki na sya, Baby Gee pa rin ang tawag sa kanya.
"Anong ginagawa nyo?" Tanong nya samin.
"Nanonood."
"Panood din ako."
Sumingit sya sa pagitan namin ni Patti.
~Next Day~
Pagkatapos kong maligo, kumain na ko. Buti nalang, andyan pa si Patti.
So tulad ng dati, pagpasok namin, kwentuhan muna. Pagdating sa tapat ng Cariño Building, magbaba-bye kami.
"Bye Pat"
"Sige! Bye."
Pagpasok ko ng room, andun na si Travis 😑😑😑. Nakuuuu.
Patti's POV
"Buti nalang di pa ko late. Sa wakas." Sabi ko sa sarili ko habang papasok ng room.
"Uy Pat! Ang aga mo ngayon ah."
"Enebe. Syempre. I'm always early kaya, kaya nga malapit na kong magka-absent eh."
"Whahahahah. Syempre, ikaw pa ba?"
Dumating na si Ma'am Salvie. "Uy, Borja! Ang aga mo ngayon ah."
"Ahahahahah." Sabi ko.
Nagsimula ng mag-discuss si ma'am ng lesson sa health. Yung iba kong mga kaklase, lalo na yung mga boys ay tuwang-tuwa sa lesson namin ngayon. Tungkol kase ito sa sex education, so yun, alam nyo na kung bakit.
~Lesson~
Break na, kaso lang di naman kami makalabas. Eto kasing teacher namin, si Sir Domingo, feeling adviser.
Pag break, wala siyang pinapalabas, sa loob lang daw dapat kami kumain. At kung minsan pa, nang-buburaot samin. Kulang nalang isumbong namin kay Ma'am Lea. Buti nalang, hindi nya laging ginagawa yun, pag trip lang nya ginagawa sa amin yun.
Actually nga, nalaman na yun ni Ma'am Lea eh. Pinagsabihan nya na si Sir. Domingo. Pero di naman nakikinig sa kanya si sir. Sad nga lang isipin.
Pagtapos ng break, wala na. Same as dati, puro lesson nalang.
~Lesson~
Last subject na namin. At tuwang-tuwa kaming Bleans dahil eto ang pinaka favorite time namin. Ang Science time.
BINABASA MO ANG
How We Met?
AdventureThis short story tells about the life of Patti Borja. About her life, and possibly, about her lovelife. On how Patti and Travis met? On how their relationship got destroyed? What happened to them? Will Patti find a new partner in life? Who will be t...