Chapter 4: Grasshopper

11 0 0
                                    

Patti's POV

Last subject ang pinaka masaya, ang Science time. Except break time syempre. Eto rin ang pinaka favorite time naming Bleans. Kase eto yung time na dadating yung momshie namin, si Ma'am Charot, este, Charlotte.

Kaya rin kase nabuo ang Bleans dahil na din kay ma'am. Kumbaga kami yung supporters nya. Kami yung nakshies ng momshie namin.

"MA'AM!" Sigaw ni Lyka.

Tas ngumiti lang si ma'am.

Ganyan yan si ma'am eh. Minsan i-snobin ka lang nya.

Lumapit yung buong Bleans sa kanya para makipag-chikahan, kaso lang pinabalik nya kami sa upuan kase magtuturo na sya. "Okay class! Go back to your seats."

Nagsimula ng magsulat sa board si ma'am tungkol sa lesson namin ngayon, ang Chemistry.

Pero nagtataka si ma'am bakit kaka-onti lang kami. "Bakit ang onti nyo? Asan yung iba? Yung mga boys, nasaan?"

"Ma'am! Nasa labas." Sagot ni Daisy sa tanong ni ma'am.

"Bakit nasa labas sila!? Anong ginagawa nila dun?" Tanong ulit ni ma'am.

"Ma'am! Nanghuhuli." Sabi ni Francine.

"Nanghuhuli ng ano!?"

"Nanghuhuli ng tipaklong."

"At anong meron sa tipaklong?"

"Di ko din alam ma'am eh." Sabay kamot sa ulo si Francine.

Biglang parang may hinahanap ulit si ma'am. Di ko nga lang alam kung ano to, pero may hinahanap sya.

"Asan si Suzanne?" Tanong ni ma'am.

Bilang pumasok si Suzanne na may hawak na tipaklong.

"Ma'am!" Sabi nya habang nakatapat ang tipaklong kay Ma'am Charlotte. Maya maya, binitawan nya ang tipaklong at tumalon ito kay ma'am.

"AAAHHHHHHHHH!!!!" Malakas na sigaw ni Ma'am Charlotte.

Nagulat kaming lahat at biglang nagsitawanan. Tumawa nalang din si ma'am. Sabay pinapasok nya na ang mga nasa labas para mag lesson na.

"Borja! Papasukin mo na nga sila."

"Sige ma'am." Pumunta ako sa labas para tawagin sila. "Oy! Pasok na daw kayo!"

Pagpasok nila, nag-umpisa ng magturo si ma'am.

~Lesson~

"Oh class! Time na! Ayusin nyo na yung room nyo tas labas na kayo." Sabi ni Ma'am Charlotte.

"Whooooo!!! Yessss!!!" Hiyawan ng mga kaklase ko kase nga uwian na.

Pero syempre, nagpaiwan kaming Bleans.

Nagsilapitan ulit kami kay ma'am, para syempre makipag-usap.

Habang nakikipag-usap kami kay ma'am, naalala ko si Harry. Nagmadali akong tumingin sa labas ng room at wala sya, di sya nag-aantay. Bigla kong naalala na cleaners pala sya.

So yun, bumalik muna ako kila ma'am para makipag-usap. Nung pabalik na ako, andun pa rin yung Bleans at naghaharutan.

"Uy! Wait lang, may pupuntahan lang ako."

"San punta mo?" Sabi ni Deanne.

"Sa pinsan ko."

"Oy Borja! Bilisan mo!" Sigaw sa akin ni Ma'am Charlotte.

"Oo ma'am!" Sigaw ko habang patakbo sa room nila Harry.

Pag akyat ko ng hagdan, bumaba din agad ako. Kase pupunta na lang din naman pala ako ni Harry pag pauwi na kami.

Bumaba na ako at naghaharutan pa din yung Bleans pati si ma'am.

"Oh Borja! Hingal na hingal ka ah. Anyare?" Sabi ni ma'am.

"Kaya nga. Kung saan saan ka kase nagpupupunta." Sabi sa aking ni Deanne.

"Wala. Nagbago lang isip ko."

"Tungkol saan?." Sabi ni Suzanne.

"Basta."

"Okay. Bahala ka dyan!"

"Lah."

~Kwentuhan~

Habang nagkukwentuhan kami, sumilip ako sa labas ng room para icheck kung nandun na si Harry.

Pag kasilip ko, may nakita akong lalaki na para bang pamilyar yung mukha, pero di ko masyadong maaninag dahil sa liwanag ng araw.

Bigla ding sumilip si Suzanne. "Uy! Anong tinitignan mo dyan?"

"Wala. May hinahanap lang."

"May hinahanap daw." Bigla nyang tinignan yung tinitignan kong lalaki. "Uy! Sino yan!? Ikaw ah, may pagnanasa ka dun ah."

"Luh! Di ko nga kilala yan eh."

"Sus. Kunwari ka pa."

"Lah! Oo nga."

Pumunta ulit kami dun sa table, para syemre makipagkwentuhan sa kanila.

Maya maya, sinigawan ako ng kaklase kong lalaki. "Uy Borja! May naghahanap sayo!"

"Sino?"

"Yun oh!" Sabay turo sa tinutukoy nya.

Sinundan ko ng tingin ang tinuro nya.

Pagkakita ko sa naghahanap sa akin. Lumapit ako sa kanya. "Wait lang."

How We Met?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon