Chapter 2: Free Time

10 0 0
                                    

Patti's POV

"Sige! Bye." Sabi sa akin ni Harry.

"Bye"

Tumayo na kami ng mga kasama ko, at lumabas papunta nang garden para dun kumain ng cup noodles.

Kaso lang, biglang dumating yung president namin, si JC.

"Uy!" Sigaw niya sa amin nang para bang may nangyari, kase madaling madali siya at parang importante ang kailangan niyang sabihin.

"Hala! Bakit? Anyare?" Kabadong sabi ni Francine, yung katabi ko sa kanan.

"K-kase a-ano." Utal-utal na sabi ni JC. "P-penge nga m-muna ng t-tubig. Whoooooo."

Inabutan ko siya ng tubig. "So ano na nga?"

"Wala naman." Sabay ngisi. "Manghihingi lang sana nang fuds."

"Lah😑😑, kala ko naman kung ano nang nangyari." Sabi ko habang inis na inis.

"Pinakaba mo kami!" Sabi ni Daisy.

"Hihi. Suri na."

"Oo na, lumayas ka na nga dito. At magta-time na."

"Whahahahah." Tumawa nalang si JC, at pumasok na sa room.

Pagtapos namin kainin yung cup noodles, pumasok na rin kami sa room.

Laking gulat namin dahil kakaunti pa lang ang nasa loob. Eh tuwing mga ganitong oras, nasa loob na halos lahat.

"Pres? Asan na yung iba?"

"Di ko nga din alam eh. Antay-antayin nalang natin."

"Eh pano yan pag dumating na si ma'am?"

"Hayaan mo, akong bahala."

Biglang may pumunta sa room. Hingal na hingal sa katatakbo para lang makapunta dito.

"Asan po president ninyo?" Sabi nung lalaki.

"Ako po." Sabi ni JC habang papalapit sa kanya.

"May pina—" Pahinang sabi nung lalaki kay president.

"Ahh. Sige." Sabi ni pres habang tumatango at parang seryoso yung sinasabi sa kanya.

"Sige. Yun lang. Thank you."

"Oy pres! Ano daw sabi!?" "Hala! Anyare!" "Bakit daw?" Sabay sabay na sabi ng mga kaklase ko pagkalabas nung lalaki.

"WAIT LANG!" Sigaw ni president sa amin.

"..." Natameme ang lahat sa sigaw ni president.

"May pinapasabi si Ma'am Marie."

"Anu daw yun?"

"Kaya daw wala yung iba kase nasa court sila-"

"HAL-"

"WAIT! Kaya nasa court sila, kase FREE TIME DAW NATIN!" Tuwang-tuwa na sabi ni president sa amin.

Nagkaroon nang konting katahimikan, tas biglang nagsihiyawan. "WHOOOOOOOOOO."

Nagsilabasan kami, pero yung iba nag-stay sa loob. Kami namang Bleans, Bleans kase yung tawag sa grupo namin.

Pano naging Bleans? Eto kase yan, nung una 3 lang kami at ang tawag namin sa sarili namin ay Gal. Nung may nadagdag, naging Gals. Tas naging Garls.

Eh ampangit naman nun kung papahabain pa namin ng papahabain. Kaya pinagsama-sama namin yung mga apilyido naming anim para mabuo yung Bleans.

B for Borja, Patti Borja.
L for Lamendez, Lyka Lamendez.
E for Eviela, Suzanne Eviela.
A for Aquevas, Daisy Aquevas.
N for Naui, Francine Naui.
S for Sirius, Deanna Sirius.

Kami namang Bleans, pumunta ulit nang canteen para bumili nang chichirya. Para lang naman yun sa Food Trip namin.

Pagpasok namin, nakita ko nanaman si Harry. Bakit kaya ganon? Sa tuwing pumupunta ako nang canteen nakikita ko siya.

"Uy Pat!"

Ngumisi nalang ako, kase wala rin naman akong sasabihin.

"Pat, bad ka. Cutting ka." Pabirong sabi niya sa akin.

"Lah. Di naman ah. Ikaw nga rin dyan eh."

"E-eh. Ah, basta." Yun nalang yung nasabi niya. "Sige! Bye."

"Sige."

Pagkatapos naming bumili nang fuds, dumiretso na kami sa room.

Pumunta kami sa sulok at nilabas yung mga cellphone para mag-cellphone. Whahahahaha.

Pagkatapos nang klase, umakyat na ko kila Harry para sunduin sya kase uuwi na kami.

Pagka-akyat ko sa hagdan, nakita ko na siyang kumakaripas ng takbo.

"Halika na! Uwi na tayo."

Tas hinatak nya na ako papalabas ng gate.

As always, bumili muna kami nang mga fuds sa labas ng school kase mga gutom na kami.

Pagtapos naming bumili, naglakad na kami papauwi.

"Uy Pat! Kilala mo si Travis? Travis Diones?" Tanong sa akin ni Harry.

"Uhmmm, hindi eh. Sino yun?"

"Ahhhh basta. Pakita ko siya bukas sayo."

"Sige. Bakit mo natanong?"

"Kase ano..."

How We Met?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon