God with out man is God,,
but Man with out God is NOTHING......Masaya ako sa tuwing nagsisimba ako.., specially kapag nararamdaman kong nasa harap ko si God while I'm worshiping him..,parang lahat ng problema mo nawawala,,yung chill ka lang..,at wala kang ibang naiisip,,at unti unti nyang pinapaalala sayo ang mga kasalanang nagawa mo na dapat mong pagsisihan,,at kapag nakapagsisi ko na ang mga yun,,mararamdaman ko nalang na parang sobrang gaan ng pakiramdam ko,,sabi nga ng iba nabunutan ka ng tinik sa dibdib..
"My Life Savior"
Ito pa ang isang bagay na nangyari sakin na kahit kailan hindi ko makakalimutan.."The Last Day I saw my father.." kahit gaano pa pala kasama ang tatay mo,,tatay mo pa din,,kapag nawala sya ,,iiyak at iiyak ka pa din,,maaaring madaming masasamang bagay syang ginawa sa mama ko,,pero kahit masamang tao sya, merong part sa buhay nya ang naging mabait sya,,dati nga kapag malapit ng sumapit ang bagong taon,,lage kaming namimili sa palengke ng mga paputok,, at sa dami ng taong nasa palengke never pa akong nawala,kasi naman binubuhat nya ako kahit 5 years old na ako nun,,wag lang akong mawala..
When I was 6 yrs. old.,nag away ang nanay at tatay ko.., sumbatan ng kung ano ano,,gabi na kasing dumating ang mama ko ,kasama ako, ako kasi ang sumusundo sa kanya sa trabaho nya,,pagkagaling ko kasi noon sa school,,deretso ako sa kusina ,,para magluto habang naglilinis ng bahay,,pagkatapos pumupunta na ako sa canteen kung saan nagtatrabaho ang mama ko,,dun na ako gagawa ng assignment at project habang naghihintay sa mama ko,,gabi na sya makakalabas,,sinasabayan ko syang umuwi,,nilalakad lang namin kahit madilim ang daanan,, may dala lang kaming flashlight,,malayo ang bahay namin sa work place nya,,dadaan ka lang naman ng isang barangay bago makauwi kaya kahit 9 pa kami umalis dun,,10 na kami ng gabi nakakarating sa bahay..
Nagseselos ang tatay ko kasi maagang napunta sa trabaho si nanay tapos gabi na kung umuwi,,sa totoo lang dapat pa ngang magpasalamat si tatay kasi si nanay may trabaho ,sya wala pero ganun talaga ang tao,,may kanya kanyang pag iisip.."bakit ngayon ka lang?? sino na namang lalaki ang kasama mo??" galit na galit na tanong ng tatay ko, alam naman nyang ako ang kasama ni nanay tinatanong pa,, iba talaga mag isip ang utak ng lasing.., "si lyn lang ang kasama ko, lasing ka lang kaya kung ano anong naiisip mo." sagot ni nanay habang papaakyat ng kwarto.., kahoy lang kasi ang bahay namin noon,,pero malaki ang lupa namin na puro tanim namin ni tatay,,madaming mga bulaklak,,mini garden ko nga yun dati..
Umakyat na din ako,, at sumunod ang tatay ko na may dala dalang martilyo.."ano yan,,ibabato mo sakin?? sige dyan ka naman magaling ang saktan ako," habang nagsasalita noon ang mama ko hinarang ko ang sarili ko sa mama ko.. grabe kasi talaga ang ugali ni Tatay ,, Naalala ko bago to mangyari, sinaksak ng tatay ko ang nanay ko ng Icepick sa Binte nya,, masakit yun, pero pasalamat sya dahil hindi pa sya pinakulong ni Nanay.., Pag ang tatay ko nagbanta tinutuloy nya,,kahit ano pa ang mangyari,, pero nitong araw na toh nagbago ang mga desisyon nya....
" tay,,wag na, tama na" may kuya ako, at bunsong kapatid na nasa ibaba,, wala talaga silang gingawa kapag nag aaway na ang magulang namin, ganoon atah talaga kasi nasanay na silang laging nag aaway ang nanay at tatay namin,, "Umalis ka dyan ,baka ka matamaan.." pero hindi ako umalis,, Bumaba ulit sya at kumuha ng Langgare (yung pamputol ng kahoy at ng bakal) "ano na naman yan?? dyan ka magaling sa pananakit" sigaw ni nanay habang nakaharang ako sa kanila " Tama na po....., hindi ba kayo nagsasawang mag away??" sumigaw na ako pero parang wala silang naririnig,, tahimik lang naman talaga ang mama ko, kso kailangan nya ding magsalita paminsa minsan para maipagtanggo; ang sarili nya,,"Lyn sabing umalis ka dyan" sa sigaw ng tatay kong yun lalo ko pang hinarang ang sarili ko sa mama ko noon.., Kaya pagbato nya ng Langgare tumama sa ulo ko,,, hinimatay ako noon kaya hindi ko na alam ang mga nangyari,, nagising nalang ako iba na ang tinitirhan namin,, nag boboard na kami pero dun pa din kami ng mga kapatid ko nag aaral sa eskwelahan namin.
Dalawang Linggo ang nakalipas simula ng magkahiwalay ang nanay at tatay ko.., Hanggang isang araw.......
"Papatayin kita....." nakita kong nakatotok sa mama ko ang isang kutsilyo na hawak hawak ng tatay ko,,, nagtakip ako ng bibig ko at natakot,, nagkaroon ako ng phobia noon, parang kahit anong sabihin ko walang lalabas na salita sa bibig ko,, madaling araw na,, kaya kahit pa may lumabas na boses sa bibig ko parang hindi din ako maririnig ng mga kapit bahay namin,, napatingin si tatay sa kinaroroonan ko,, nabitawan nya ang hawak nyang kutsilyo ng makita nyang naluha ako at hindi makapagsalita,,nagising si nanay at ang mga kapatid ko noon,, nagtatakbo naman si tatay palabas,,sobra talaga ang takot na naramdaman ko noon,, kaya hanggang ngayon dala dala ko ang pakiramdam na yun kapag may nakikita akong nag aaway,..
Yun na ang araw ng huling pagkikita namin ng tatay ko,,, masakit sakin yun, kasi kahit papaano naging close kami.., mahirap lumaking walang ama,, wala kang taga pagtanggol, wala kang karamay sa mga problema mo, wala kang makausap kung may Boys Problem ka.., mahirap lang kasi patay na din ang papa ko 2007 sya namatay at 2001 ko sya huling nakita,,,ni umatend ng libing nya hindi ko nagawa kasi bata pa ako noon....
Nagtataka ba kayo kung bakit ko to naishare ko to sa inyo.., kasi sabi sa BIBLE,,
Ephesians 6:2 Children, obey your parents in the Lord, for this is right. 2HONOR YOUR FATHER AND MOTHER (which is the first commandment with a promise), 3SO THAT IT MAY BE WELL WITH YOU, AND THAT YOU MAY LIVE LONG ON THE EARTH.…
Kaya kayo kahit gaano kasama sana ang ugali ng magulang nyo o kahit sino pang tao ang nakagawa sayo ng masama,, matuto pa rin kayong magpatawad.., ako kahit ganun pa ang tatay ko mahal ko sya,,, sayang lang kasi hindi ko alam kung nakahingi ba sya ng tawad sa Panginoon bago sya mawala....
Kaya ikaw alalahanin mo ang mga kasalanang nagawa mo,, at humingi ka ng tawad sa magulang mo kung ikaw ang nakagawa ng masama sa kanila....
Have a Blessfull Day sa mga Readers......