❤️Simula❤️

381 20 2
                                    


{~<Aero>~}


"Dre! Tulala ka na naman." Asar na sambit nang kaibigan kong si Ian.


"Paano bang hindi? Bagsak ako sa Science. At ang malupit pa, ako ang lowest. Tingin mo ngingiti pa ako at magpapakasaya dahil dun?" Napakamot naman siya sa batok niya.


"Eh bakit ba kasi hindi ka nag-pass nung explanation ng explosion of stars. Tska isa pa, yung Constellations, alalahanin mo ha. Apat ang hindi mo napasang project. At lahat nang yun, mahihirapan kang ipasa nang mabilisan." Sinapak ko nalang ang ulo ko. Kainis! Hindi pa naman ako ganito dati!



"Eh sa wala akong maintindihan eh! Kainis kasi yung aklat! Orion ang nakalagay pero Cassiopeia ang pangalan. Aiissh! Ang bobo naman nung gumawa nun." Humalakhak lang siya at bumalik na sa pag-aaral sa Filipino.


Ako nga pala si Aero James Peterson. At eto namang katabi kong masipag ay si Ian Loyzaga. Tanging best friend ko, simula paglipat ko dito, siya na ang tumulong sakin sa lahat.



Heartthrob? Tama. Gwapo? Pwede na. Bad boy? Di naman masyado. Matalino? Tumpak!


"Sis, nakita mo ba yung paper sa Bulletin board? Si Aero ko bagsak sa Science!" Nung narinig ko ang pangalan ko nabaling agad ang tingin ko sakanila.


"Oo nga! Sana pinakopya ko yun eh. Sayang naman, bagsak siya malamang mabubully siya pag hindi siya pumasa.." Tama sila. Etong paaralang napasukan ko lahat matatalino. Ewan ko nga kung bakit ako pinasok ni Dad dito eh alam naman niya na pagdating sa Science, na bo-bobo ako.


"Hi Baby Aero!" Agad akong napayuko at hinarap si Ian.


"Dre, tara na."Humalakhak siya tska tumayo.


"Omg! Si Baby Ian pala kasama niya!" Agad naman akong hinila ni Ian at pumasok kami sa Cr. Sa lahat talaga nang matatakasan namin na lugar para hindi kami masundahan nang babae. Cr talaga ang the best.


"Grabe. Kailangan mo nang  bumawi Dre. Pag nalaman ito nang Blood Phantom, sisiraan ka nila.." Yan ang ayaw ko sa lahat. Ang Blood Phantom. Isa sa pinakamatalinong estudyante dito, ang leader nung BP ay ang may ari nang school dito. Tahimik sila at hindi pinapansin nang mga babae. Ayaw nila nang mga bobo sa paaralan. Sa pagkakarinig ko, pag may bumagsak, maaari kang ma kick out o ma bully sa school.

Ayaw nila nun? Kung wala kaming mga bobo, hindi sila matatawag na matalino. -,-


"Wag kang mag-alala Dre. Magpapahire ako kay Dad nang Tutor. Ayokong ma bully dito Dre.." Lumabas na kami nang Cr nung wala nang mga babae sa labas.


"Dre, punta muna akong Council Room ah? Tinext ako ni Aron." Tumango nalang ako.


"Sigeh, ingat ka Dre." At ayun nagsimula na siyang maglakad.

Even If I Die It's You ~(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon