{~<Aero>~}
Kasama ko pala si Yumi ngayon sa Boys Dormitory. Hindi ko pala nasabi sainyo na separate ang boys and girls but now, excused kaming dalawa dahil kailangan kong pumasa at ayokong humarap sa Bloody Phantom.
"Ano bang mahirap sa Science Peterson?" Wow ah, ikaw na matalino! Ang talino kung makapagtanong ah! Hindi nahiya. Tsk! Sabagay, matalino naman talaga siya.
"Pwede ba wag mo akong tawaging Peterson? Apilyedo ko yan, hindi pangalan." Inis kong sambit at nilapag ang aklat sa harap niya.
"Eh ano ba ang Apilyedo? Hayop?" Aba! Nang iinsulto na siya ah!
"Tumigil ka na nga! Akala ko ba tuturuan mo ako." Binato niya sakin yung notebook niya.
"Basahin mo yan, 5 minutes. Bibili lang ako nang Burger." Makautos ha! Ipalunok ko kaya sayo tung notebook!? Kaasar!
Binasa ko lang nang binasa yung notebook. Hanggang sa na memorize ko na hindi parin bumalik si Yumi.
Aakmang kukunin ko yung sketchpad ko nang biglang bumukas ang pinto.
"Tapos ka na?" Sambit niya at may dalang dalawang large burger. Pambihira! Ang sexy sexy pero ang lakas kumain!
"Oo, at kanina ko pa to binabasa. Wala ka bang balak i explain to sakin?" Inis kong sambit pero binato na naman niya ako nang lapis.
"Aray! Ang hilig mong mambato sakin nang kung ano ano ha!" Kumagat siya sa burger niya at halos masuka ako sa laki nang nakagat niya.
"May problema ka sa utak." Sarkastiko niyang sagot at kumagat ulit nang burger. Nagulat ako nang inabot niya sakin yung isa.
"Ano?"
"Ayaw mo?"
Nag aalangan akong kunin yun. Nung nakapagdesisyon na akong kunin yung burger bigla nalang niyang binawi at nagsalita.
"Edi wag!" Tae! Nagugutom nga ako eh! Binawi pa! Huhuhu. Nasa huli nga naman ang pag-sisisi.
"Ano ba kasi yang star? Balls of gases? Yung bola ba na binombahan para tumalbog? Yung nilalagyan nang hangin bakamo?" Binato na naman niya ako nang notebook.
"Ibang klase ka talaga Peterson! Balls of gases nga diba!? Gas! Ano bang gas sainyo? Yung nasa stove ba?"
"Oo! At ano pa ba?" Napafacepalm naman siya. Eh ano pa nga ba? Gas nga diba?
"Umayos ka Peterson ha, umayos ka. Stars are balls of gases that emits their own light and provide heat to the Earth. So nakakita ka na ba nang star pag umaga?" Sa ngayon, ako na naman ang bumato sakanya nang panyo ko. Pasalamat siya panyo lang yun eh.
BINABASA MO ANG
Even If I Die It's You ~(Editing)
Short Story(Not yet Edited) "Mahal na mahal na mahal kita, sadyang mapaglaro lang talaga ang tadhana, kaya pati kaligayahan ko tinangay na." ~Aero💔