{~<Aero>~}
Nandito na naman si Yurea sa Dorm ko, tinuruan na naman ako sa Constellations. Pambihira!
"Ang Cassiopeia, yan yung parang letter W. She is known as the powerful Queen of Ethiopia. Gets?" Tumango naman ako.
"Eh ano naman yang mukhang bahay katabi nang Cassiopeia na yan?"
"That's Cepheus, the 27th largest Constellation. Known as the husband of Cassiopeia. Tinatawag din yang 'Home Plate' kasi mukha siyang bahay. Diba?" Tumango ulit ako.
"Paano mo ba na sink in agad sa utak mo yan?" Tumawa siya at binato ako nang notebook.
"Pinag-aralan, malamang! Paano mo ba malalaman kong hindi mo pinag-aralan?" Napakamot ako sa batok ko.
Yung Science kasi namin simula grade 1-6 ang tamad mag discuss! Puro copy! Copy! Hindi man lang ineexplain! Tapos palaging may surprise quiz! Hayyss.
"Sige nga, subukan kitang tanungin. Pag hindi mo nasagot, hahampasin kita nang water bottle."
"Kapag nasagot ko naman, ikaw ang hahampasin ko niyan." Umaastig pa siyang tumango. Competitive!
"It is called the north star." Wahhh! Napag aralan namin yun kanina! Pudge! Nakalimutan ko. Nagsimula siyang mag countdown. Wala pang 1 hinampas na niya ako.
"Aray! Di pa nga nakaabot nang 1 eh!" Inis kong sambit. Ang lakas manghampas eh!
"Hihintayin ko pa bang mag 1 eh alam ko namang wala kang masasagot? Focus Peterson!" Huminga ako nang malalim tska nag refresh sa mga pinag-aralan ko.
"Is one of the oldest Constellations." Pudge! Bakit ba nakalimutan ko agad yan!
"Scor--" mental block ako. Yikes!
*Bogsh*
"Ara-- Hoy! Grabe ka! Kung makapalo ka ha! Parang nanay kita!" Napakamot ulit ako sa ulo ko. Wag lang sana ako magkabukol.
BINABASA MO ANG
Even If I Die It's You ~(Editing)
Historia Corta(Not yet Edited) "Mahal na mahal na mahal kita, sadyang mapaglaro lang talaga ang tadhana, kaya pati kaligayahan ko tinangay na." ~Aero💔