❤️Nagtataka❤️

80 12 5
                                    

{~<Aero>~}

Night

Nakabihis na ako sa suit ko na pinahiram ni Ian. Hinintay ko siya sa Dorm ko kasi nahihiya akong lumabas na walang kasama.

*Knock Knock*

"Dre, wow! Pogi natin ah!" Natatawang sambit niya at nag chest bump kami.


"Ano? Gwapo ba?" Tumawa naman siya.

"Gwapo naman, pero mas Gwapo parin ako noh. Bwahaha!" Hala! Bumagyo bigla! Hahaha joke.

"Tara?"Sabay namin sinuot yung mask namin. Pababa palang kami nang marinig ko ang bulung-bulungan nila.

"Omg! Ang gwapo nila oh!"

"Sino kaya yan? Sana isa sakanila ang makasayaw ko. Yiiieee!"

"Para silang si Jungkook at si Jimin! Wahhh!" Wow! Gusto ko yan..

"Dre, kilala mo ba yang pinagsasabi nilang kamukha natin?" Tumango ako.

"Mga sikat na Koreano Dre, yung kalahi ni Yumi. Yung BTS." Napatawa naman siya.

"Edi sana ganito nalang tayo palagi para mas Gwapo." Natatawa niyang sambit.

Pagdating namin sa Octagon, which is ang lugar kung saan nagaganap ang mga parties or any occasion. Malaki ang Octagon. May bubong syempre. Marami ding Disco lights at tska malalaking speakers.


Nakita ko naman sa itaas ng stage ang mga Guro. Aba! Pina cleavage yung isa ah! Kilala ko yan. Haha! Si Madam Principal!

Nung magsimula na ay nag play ang music. Nagulat ako nang may umikot sa harap ko at direktahang napapulupot ang kamay niya sa leeg ko at ako naman napahawak bigla sa beywang niya.

*Dug Dug*




*Dug Dug*




Bakit ang lakas nang kabog nang puso ko? Anong merun?


Napatingin ako sa babaeng kasayaw ko. Ang ganda niya kahit naka maskara siya. Kulay lila yung gown niya at bagay na bagay sakanya.

"Uhh, Hi?" Ngumiti lang ito at iniwas ang tingin niya. Teka, kaninong ngiti ba to? Pamilyar...



Nagulat ako nang biglang tumapat saming dalawa yung spotlight. Nakita ko sa mga mata niya ang matinding gulat kaya agad siyang napabitaw sakin at tumakbo. Hahabulin ko na sana siya pero may humila sakin pabalik.

"Hindi pa tapos ang party." Sambit nang babaeng sobrang kita na yung ano niya. Ah basta! Alam niyo nah! Napakagat pa siya nang labi niya.

"I should stop, I'm tired." Kita ko ang pagkainis ng babae at padabog siyang umalis sa harapan ko.

Napaupo naman ako sa kinauupuan ko. Nagulat ang mga mata ko nang may nakita akong wedge na mismo ay nasa tapat nang sinayawan namin nung hindi ko kilalang babae. Kinuha ko iyon at parang galing ito sa babaeng kasayaw ko kanina.

Even If I Die It's You ~(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon