Panaghoy 2:

6.8K 124 5
                                    

(Ano ang piliin mo? Ang mabuhay o mamatay)

Septembre 22, 2001 nang unang sumayad ang aking paa sa bansang arabo. Labis ang kabang bumabayo sa dibdib ko sa kakaibang uri ng taong nakakasalamuha ko. Iba ang damit, salita at hitsura. Sa musmus kong isipan na hininang ng kahirapan ay pinilit kong magpakatatag para sa pamilya at pangarap.


Wala akong ibang nakikita kondi itim at puti. Itim na damit para sa babae at puti para sa lalaki. Tila gusto ko nang umatras pabalik sa eroplano upang muling bumalik sa inang bayan ngunit bigla na lamang akong kinausap ng isang babae at nagpakilalang ito raw ay tauhan ng agency na kukuha sa kaniya.

Takot ang muling bumalot sa akin. May pag-aalinlangan man nagawa kong tuluyang ipagkatiwala ang aking sarili sa mga taong hindi ko lubos na kilala.

Tatag ng loob at lakas ng pananalig. Iyan ang dalawang sangkap para sa taong nalayo sa bansang sinilangan. Kaya pinuno man ng pangamba ang dibdib ay sinuong ko na ang disyertong bansa.

Maraming kababayan ang nadatnan ko sa shelter na pinagpuntahan sa akin ng babae at doon ay iisang mukha ang kanilang binigay sa akin na tila ba nagbabanta sa kung anong buhay ang meron sa bansang iyon. Katulad ko, pangarap para sa maginhawang buhay ang naghatidbsa kanila sa ibayong dagat.


Sa bawat mukha ng bawat isa kababakasan ng di maipaliwanag na lungkot. Lungkot ng pangungulila sa pamilya ngunit mas nangingibabaw ang lungkot na sila ay biktima ng masamang kapalaran.


Kinabukasan din ay dumating ang mag-asawang sinasabing magiging amo ko. Matapos magkabayaran at magkapirmahan ay walang anumang salitang narinig ko buhat sa agency kundi ang sumunod sa utos ng mga amo gayon pa man ay paulit-ulit ipinapaintindi na ang perang nasa kontrata ay hindi iyon ang tunay niyang sahod dahil ang 1/3 ng sahod ay mapupuntabsa agency bilang kabayaran ng lahat ng ginastos ng mga ito sa pagpapapunta sa kaniy roon. Ang 1,500 riyal na kita ay magiging isang libo lamang.

Para sa isang lumaki sa mahirap na katulad niya. Ang isang libong riyal na katumbas ng mahigit kumulang na sampung libong peso ay malaki na para sa kaniya.

Sa pag-usad ng sasakyang papalayo sa bahay na nagsilbing kanlungan niya ng isang araw, dalangin niya na sana, sana ay mapabuti siya.


Ngunit kahit ilang dasal pa ang usalin sa bawat gabi ay kalbaryo para sa kaniya. Mabait ang among lalaki ngunit kabaliktaran nito ang among babae idagdag pa ang lima nitong nga anak na halos magkakasunod.

Akala niya wala nang maipapares sa hirap nilang buhay sa Pilipinas ngunit mas mahirap palang magpaalipin sa ibang lahi dahil bukod sa pisikal at maging sa emosyunal ay aapihin ka.

You idiot. Are you crazy.

Mga salitang natatnggap ko sa aking amo kasunod ng kung hindi paghampas ay sabunot sa akin. Hindi lamang sa bahay maging sa bahay man ng mga kaibigan o kakilala, sa lugar pasyalan o mall na kasama ako.

Tiniis ko ang lahat hanggang sa dumating ang isang pangyayari na hindi ko makakalimutan. Saktong apat na buwan na akong nagtatrabaho sa mga amo ko ng dumating ang lalaking kapatid ni madam na nanggaling sa Bahrain. May business matter lang daw ito roon at sa amin titira ng tatlong araw.

Sa unang araw pa lang nito ay kinakitaan ko na ng ibang kilos na nagpakaba sa akin. Hanggang dumating na nga ang ikatlong araw nito. Ibayong kaba ang aking naramdaman ng habang naghuhugas ako sa kusina nang makita ko siyang papasok roon bitbit ang isang pinggan. Buong akala ko ay dadalhin lang ang pinggan upang hugasan ngunit bigla akong nahintakutan ng hawakan niya ako sa puwet kasabay ng nakakalokong tingin.

Sa kabiglaan ay napaatras ako kasunod ng takot sa aking mukha. Muli pa itong lumapit at gusto rin akong hipuan sa pang-itaas kong parte ngunit doon ay napatakbo na ako na siyang kinagulat ng amo kong lalaki papasok roon.

Takot at pagkasindak ang bumalatay sa mukha ko sa sandaling iyon. Takot para sa aking sarili. Narinig kong nag-usap pa ang magbayaw sa salita nila ngunit dali-dali muna akong lumabas at nagkunwaring magliligpit muna sa mesang pinagkainan nila para makaiwas muna sa kusina.

——->itutuloy

PANAGHOY: Slave Mistress(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon