Sa aking paglaya tila ako'y ibong nakawala. Muling niladlad ang pakpak at muling lumipad. Sa pag-apak ng aking mga talampakan sa bayang aking sinilangan, pananabik ang aking naramdaman ngunit mapanghusgang tingin ng tao'y hindi ko matagalan.Walang pananabik. Walang imik. Mga magulang ko'y nakatingin sa akin. Hindi ko malaman kong bakit.
Hilam ng luha ang aking mga mata habang inilalahad ang aking istorya. Masaklap na karanasan kung bakit ako nawala. Hindi ko sila iniwan sa kanilang kawalan. Hagulgol ko'y hindi ko kayang hupain, yakap ni ama aking naramdaman. Bigat ng aking dibdib hindi ko kayang sabihin. Dinanas kong lakupitan sa ibang bansa'y kailanma'y hindi ko na maiaalis sa aking buhay lalo na at buntis ako bilang buhay na patunay ng kapalarang kay sakit.
Sa pagsambulat ng emosyon. Pagkalito ang aking naramdaman. Ninais kong kitlin buhay sa aking sinapupunan ngunit pinigilan ako ni ama dahil kasalanan iyon sa Diyos. Na walang kasalanan ang bata sa kasalanang ginawa ng ama nito.
Sa aking pagbabalik, kabi-kabilaang bulong-bulungan ang aking naririnig. Bawat isa may kuwento, bawat isa may ibang bersyon ngunit iisang topiko kundi ako.
Malandi daw ako. Kabit ng amo kaya pinakulong.
Mga salitang kumakalat sa aming lugar. Masakit marinig, masakit na harap harapan kang sabihan ng mga masakit na salita.
Ganito pala ang mundo, imbes na ibangon ka sa putik na kinaluluban mo ay mas lalo ka pang nilublob sa yurak na iyong sinapit.
Bitbit ang aking gamit, muli kong nilisan bayan na aking kinalakhan. Sa Maynila ako pinadpad upang dito ay magbagong buhay. Malayo sa taong mapanghusga, malayo sa mga taong hinahamak ako na hindi man lamang nagawang intindihin ang aking bersyon. Masakit pero kusang tinanggap, kapalarang kailan ma'y hindi makakalimutan.
Dito ko sa Maynila, binuhay ang aking anak. Bitbit ang konti kong naipon sa mga binigay noon ni Muhammad ay nagtayo ako ng konting sari-sari store. Muli akong nanindigan. Maaaring ang aking anak ay hindi nabuo gaya ng mga ibang bata pero itunuring ko itong biyaya galing sa Puong Maykapal.
Sa aking napagdaanan, masasabi kong I am strong enough to face any battle in life. Dahil sa aking karanasan ay naging matatag ako at alam kong walang taong makakatalo sa taong sinubok na ng mga mapanghamong karanasan.
Sa bawat balitang aking naririnig. Mga kababayang minamaltrato at inaabuso ng mga amo. KNOW YOUR RIGHTS AND WAIT FOR THE RIGHT TIMING TO FIGHT FOR THAT RIGHTS. I am not saying na gawin ninyo ang aking ginawa, may kaniya-kaniya tayong diskarte para makalaya sa bangungot na ating kinasasadlakan.
I am Amerah, sa kasalukuyan ay 32 at single mom to a 11 years old boy named Youssef. I am happy and contented to what life I have right now. May mga pagkakataon lamang na dumadaloy pa rin ang luha sa aking mga mata kapag may napapanood akong kababayan nating inaabuso. Siguro, ito na ang ikot ng mundo. Dalangin ko na sana ay maging matatag tayo sa anumang bagyo na dumating sa ating buhay lalo na sa mga kababayan nating nasa ibayong dagat.
Ito ang kwento ng aking buhay. Isang kuwentong matagal nang nangyari ngunit bakas pa rin sa aking alaala ang bawag detalye ng mga pangyayari ng nagdaan.
Maraming-maraming salamat po sa inyong pagbabasa at nawa ay nagbigay aral at pag-asa ang kuwento ko sa inyong lahat.
Bawat pangyayari ay may kuwento sa likod ng lahat. Huwag po tayong humusga dahil hindi niyo alam kung ano at gaano ang kanilang pinagdadaanan. Dahil, marahil ay kagaya ko. Pinili kong ipagkanulo ang aking dangal sa ngalan ng aking kaligtasan.
Muli maraming salamat po.
—Amerah
BINABASA MO ANG
PANAGHOY: Slave Mistress(Completed)
Short StoryAng kuwentong ito ay hinalaw sa tunay na buhay ng isang taga pagbasa. Mga kuwentong tinago ng ngiti sa kabila ng karimlan. Buhay na nawasak pero bumabangon para sa pamilya. Isang makabagbag damdaming paglalahad sa isang kuwentong dumurog sa aking pu...