Panaghoy 4:

5.3K 119 5
                                    

(Hindi ako masama, pinili ko lang ang bagay na magliligtas sa akin sa kamatayan)

Isang araw ay minsang nakilala ko ang hardenero ng kabilang bahay ng minsang magtapon ako ng basura. Doon ay palihim akong nakipag-usap dito na kung maaari ay pahiramin ako ng cellphone. Dahil sa hitsura ko ay naawa ito. Sinubukan kong tawagan ang agency ko upang magpasaklolo ngunit mura lamang ang aking natanggap. Imbes na tulungan ako bagkus ay sinabing tiisin ko na lamang.

Galit ang umahon sa dibdib ko ng panahong iyon. Mga walang awa, hindi nila ako tinulungan. Wala na akong mahingan pa ng tulong lalo na at nalaman pa ng amo ko ang ginawa kong pagtawag sa agency dahil tinawagan pala ito ng nasa agency.


Muli ay hagupin ang aking naranasan mula sa amo kong babae. Matapos akong pagsasabunutan at pagsasapalin ay pinapatapos lahat ang mga gawain kahit masakit na masakit na ang aking katawan. Idagdag pa ang hindi maampat na utos ng mga anak nito at wala pa akong pagkain.

Nanginginig ang buong katawan ko nang pumasok ako sa aking silid bitbit ang isang platong kanin buhat sa hinimay kong pinagkainan ng mga anak ng amo ko.

Habang sinusubo ko ang bawat butil ng kanin na halos hindi ko malunok-lunok ay naalala ko ang pamilya ko. Luha ang humihilam sa aking mga mata.

Masama bang mag-asam ng konting ginhawa. Doon naisip kong bakit ako nasadlak sa ganitong buhay. Wala naman akong ibang hinagad kundi ang magtrabaho upang kumita ng pera. Wala akong ibang kinapitan kundi ang Panginoon.

Tiis, tiyaga at tibay ng loob. Hindi ko aakalaing aabot ako ng isang taon at apat na buwan. Saktong walong buwan na lang ang natitira sa kontrata ko at uuwi na ako nang mamatay ang ama ng aking madam. Agad itong lumipad pauwi ng Bahrain at naiwan sa akin ang pangangalaga ng magdadalawang taon pa lang na bunso at limang taong sinundan nito samantalang malalaki naman na ang tatlong nauna na pawang mga lalaki.


Dalawa o tatlong araw lang daw ang aking madam at madalian lamang ang pag-uwi nito. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag. Ang bunso ay mabait dahil halos ako na rin ang nagpalaki rito. Kalupitan man ang naaabot ko na ina nito ay hindi ko ito nagawang paghigantihan o anupaman.

Pinapakain ko ang bunso ng maulinigan ko ang tinig ng aking sir. Akala ko ay ang anak nito ang kausap niya ngunit nabigla ako ng ako pala ang tinatanong nito.

"Did you have boyfriend?" Ang tanong nito.

Nagtataka man ako sa tanong nito ay sinagot ko na lamang. "No sir."

Hindi ko aakalain na ang 'no' na iyon ay ang magiging mitsa ng pagkadungis ng aking pagkababae. Unang gabi na wala si madam, kapapatulog ko pa lang sa dalawang bata ng maramdaman kong tila may sumunod sa akin habang papunta ako sa aking silid upang magbihis. Hindi ko pa man nailalapat ang pintuhan pasara ay humarang ang aking amo.

"Sir!"

Hintakot kong sabi habang nakikipagsukatan ako ng lakas sa kaniya upang isara ang aking pintuhan. Ngunit labis ang lakas nito upang tuluyan akong magapi.

Ang mabait na sir na nakilala ko ay tila tinubuan ng sungay at nagmukhang demonyo sa sandalin iyon. Halos maturete ang aking utak at hindi ko maarok na mawawala lang ng ganoon ang kinaiingatan kong pagkababae.

———>

PANAGHOY: Slave Mistress(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon