Sadyang walang lihim ang hindi nabubunyag. Madalas sabihin ng iba at masasabi kong tama ang kasabihang ito dahil sa matapos ng anim na buwang pakikipagpatentiro sa apoy ng kasalanan ay tuluyan na akong natimbog sa malaking patibong.Isang araw paalis ang aking amo papunta sa isang kaibigan. Buong akala ni Muhammad ay nakaalis na ito kung kayat niyakap niya ako buhat sa aking likuran ngunit ganoon na lamang ang aming gulat ng isang nakakabinging sigaw ang umalingawngaw sa loob ng apat na sulok ng aming kinaroroonan. Kagaya ko, pagkalito ang nababakas sa mukha ni Muhammad.
Isang nakakabinging sampal ang dumapo sa aking mukha na nagpagising sa akin sa tila malalim kong pagkakatulog. Isang malakas na sabunot ang tila pumupunit sa aking pagkatao. Isang malakas na sipa ang gumimpal sa aking kamalayan at tuluyang magising sa bangungot na aking kinasadlakan. At isang malutong na mura ang umaalingawngaw sa aking pandinig kasunod sunod-sunod na pag-atake nito.
Hinintay kong ipagtanggol ako ni Muhammad ngunit wala akong nahintay. Imbes na maiyak ako noon ay napatawa ako dahil kahit papaano ay umasa ako sa pangako ni Muhammad. Sabagay, katulong lamang ako at pipiliin pa rin nito ang pamilya kaysa sa kaniya.
Namanhid na ang buo kong katawan sa sakit, hindi na rin yata kayang gumana pa ang aking isipan sa sandaling iyon. Hinintay ko na lamang ang kapalarang ilalatag sa aking harapan. Puno ng pasa ang aking katawan at halos panawan ng ulirat hanggang sa namalayan ko na lamang na hawak ako ng dalawang pulis.
Ang bagay na pinakaiiwasan ko ay unti-unting nangyayari sa akin. Ang bagay na sa pelikula at sa balita nakikita ay heto ngayon sa aking harapan. Wala akong ibang usal noon kundi 'Diyos ko kung ito na ang huling hininga ko, patawarin mo ako'.
Ang kulungang iniwasan ko ay himas ko na ngayon. Walang kapares ang pighati na aking nararamdaman lalo na kapag naiisip ko ang aking pamilya. Paano na ang buhay ko at ang aking mga pangarap.
Dobleng takot para sa aking sarili at kaligtasan sa likod ng mga rehas. Hindi ko alam kung sino ang aking kalaban. Dito natuto akong maging matapang, may ilan-ilang kababayan natin ang nakita ko rito. Dito, sarili ko lamang ang dapat kong pagkatiwalaan hanggang isang gabi bigla na lamang akong hinila ng dalawang guwardiyang pulis.
Takot ang aking naramdaman. Gusto kong magpumiglas pero masyado silang malakas. Kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod.
AKO SI AMERAH, dalawampung taong gulang, maganda, 5,6 ang taas, balingkitan ang katawan. Katawang nais makamtan ng sinumang lalaki. Katawang naging mitsa ng aking buhay ngunit ang katawang ito ang gagamitin ko para tuluyang makatakas sa impyernong kinasasadlakan ko.
Sa isang maliit na silid ako dinala ng dalawang lalaking bumitbit sa akin. Hindi ako alam kung bakit ngunit matapos akong dalhin doon ay iniwan akong nag-iisa. Napayakap ako sa aking sarili sa aking pag-iisa hanggang sa muling magbukas ang pintuhan kasabay ng pagpasok ng isang lalaki.
Napaatras ako habang papapahakbang naman ang lalaki papalapit sa akin. Bawat hakbang, kasabay ng malalim na pag-iisip.
'ISIP! ISIP! ISP!'
Ngayon pa ba ako magmamalinis ngayong halos wala nang matira sa akin. Ngayon ay handa na akong magpakakababa matakasan lamang ang aking kinasadlakan.
Kusa kong binigay ang nais ng lalaki sa akin. Ito ang laro ng buhay para sa akin, ang paulit-ulit na gamitin ang aking katawan ay sasabay ako.
Isa, dalawa, tatlong buwan na pakikipaglaro sa hepe ng pulis. Sinamahan ko pa ng isang mapang-akit na karisma ang maalindog kong katawan. Doon ay nakamit ko ang kalayaan.
Manggagamit at marumi akong babae para sa ibang makakabasa nito na sarado ang isipan ngunit heto ako ngayon. Ang katawang naging dahilan ng aking pagkakakulong ay siyang ginamit ko upang makalaya.
Sa pagdalaw ni Muhammad at sa tulong ng hepe ay tuluyan akong nakalaya at nakabalik sa lupang sinilangan tangan ang isang baon mula sa lupang isinumpa para sa akin.
Buntis ako. Buhay na nabuhay hindi dahil sa pagmamahal o pag-ibig kundi batang naging kabayaran upang ako'y tuluyang makalaya.
——->
![](https://img.wattpad.com/cover/136962390-288-k254236.jpg)
BINABASA MO ANG
PANAGHOY: Slave Mistress(Completed)
NouvellesAng kuwentong ito ay hinalaw sa tunay na buhay ng isang taga pagbasa. Mga kuwentong tinago ng ngiti sa kabila ng karimlan. Buhay na nawasak pero bumabangon para sa pamilya. Isang makabagbag damdaming paglalahad sa isang kuwentong dumurog sa aking pu...