Jennin POV
After ko i-tour si Kristin sa school punta na kame ng room. Hindi na ko naiilang sa kanya pero bago lang saken ang mga ganito kaya nangangapa pa ko pero ang masasabe ko lang ganito pala ang may kaibigan.
Nasasabihan mo ng mga iba't-ibang bagay lalo na ng mga secret at embarrassing moment mo. Naisshare mo din ang nararamdaman mo.
Pano ko na sabe? Ang daldal pala nitong si Kristin hindi siya mahirap kaibiganin. Korean siya oo. Halata sa mukha pero pag nagsalita akala mo taga pilipinas talaga. Nalaman ko den na Fashion ang hilig niya at Fashion din ang business nila meron silang branch sa Korea at dito sa Pilipinas nagiisa lang din siyang anak kaya sunod sa luho. Daldal talaga kaya lalo nakakagaan ng loob dahil sinasabihan niya ko ng Private life niya lalo na about family.
Nagsshare din ako kase mapilit eh. Naiilang kase akong ikwento, Hindi kame mayaman may kaya lang may business kame pero maliit lang ito sapat lang para samen.
Curious kayo bakit ako napasok sa school ko ngayon? Isa ako Dakilang Scholar kaya nakapasok ako. Yun lang maipagmamalaki ko sa sarili ko.
"If ever i can help you friend just tell me. Ok?" humarap pa siya saken at seryosong sinabe yun. Nag-nod ako ang bait talaga niya.
Ng makapasok na kame ng room at makaupo kame ni Kristin.
"Yah. Kirk after class, mall naman tayo please." pagaaya ni Kristin saken with puppy-eyes look niya.
"Aa… ee kase kelangan magpaalam muna ko sa bahay." kase baka maghisterikal ang mama ko lalo na si Papa.
"No prob. Call your parents now!" excited niyang sabe.
"Call? wala akong phone eh." wala naman kase akong kailangan kontakin eh.
"Whaaat? Gosh. pati ba naman phone wala ka?" gulat na gulat niyang sabe. Sorry naman. -_-
"Yeah. Uuwi na lang muna ako" sabe ko na lang.
"Hi Girls!" biglang singit ni Josh "Anong pinaguusapan niyo?" chismoso ba tong si Josh di lang mayabang chismoso pa. -_-
"Mag-mall kame after class." -Kristin na nakapoker face kay Josh.
"Nice. Mukhang magkakaroon na ng New friend si Sadako" Asar tong Josh na to.
"Yaaa! Don't call her sadako, she has a name!" Galit na sabe ni Kristin. Woow, ang new friend ko pinagtanggol ako. Ilabyu na. huhu Natouch ako.

BINABASA MO ANG
The Melody of Love
Teen FictionShe Love Music and Music Love her. "Music is My Life"