Sam POV.
Hindi ko alam kung anong nangyari saken kung bakit nagawa at nasabe ko yung mga yun.
pero isa lang ang narealize ko gusto ko siya... Gusto ko siyang proteksyonan sa mga taong umaapi sakanyan. Masyado siyang lapitin ng disgrasya. Para siyang isang batang laging napagiiwanan. Para siyang kapatid ko nakikita ko kase sakanya yung kapatid kong namatay 3 years ago. Namatay siya sa murang idad na 12years old ng dahil sa sakit niya. Palagi ko yun pinoproteksyonan sa kahit saan dahil masyado siyang sensitive na bata pero nawala padin siya.
tsk. Tama na drama nakakabading na author haa.
Andito na kame sa Canteen nila Kristin at Jennin. Kapag pinagmamasdan ko si Jennin she really look like an innocent na parang takot sa paligid. Gusto ko talaga siyang proteksyonan. Hindi dahil sa gusto ko siya i have no feelings for her.. not yet maybe, hindi siya mahirap mahalin.
"Huy. Sam"
Nagulat ako ng may tumawag saken. nahalata ba niya na nakatingin ako kay Jennin.
"Ah. Bakit Kristin?"
"Ano... kanina pa tayo nakaupo dito. May gusto ba kayong kainin?"
tinginan ko muna si Jennin. "May gusto kabang kainin?"
"Ha?Ahm.. busog pa ko." Ang hilig niya talagang yumuko.
"Ikaw kristin. ano bang gusto mo? Ako na ang bibili" nginitian ko sila.
"Ah.. Ahm.. Bakemac nalang. Thanks"
Tumayo na ko at bumili. binilhan ko na din si Jennin kahit ayaw niya. Ang payat niya kaya. Pagdating ko sa pwesto namen andun na sila Josh at Rhal.
"Yow, dude kasama mo pala sila?"
Obvious ba, Josh? Kahit kelan talaga.
"Hindi pre, Anino lang yang dalawa."
tumawa naman silang tatlo bukod kay Josh.
"Nagtatanung ako ng maayos e." nagpout pa. naknang... Bakla ata to e.
"Obvious naman diba?" nilapag ko ang pagkaen sa harap nila. "Kaen na kayo. Kumaen ka Jennin binilhan kita e."
"Ha? Eeh busog pa ko.." Nakayuko na naman.
"No. Kumaen ka ang payat mo kaya." Singit ni Rhaldin. Napangiti ako alam ko naman e ramdam ko.
"Bff. Kaen na para tumaba k naman."
Nagsimula na kameng kumaen pero ganun padin si Jennin. Naiilang, Di mapakali halatang hindi siya sanay Na maraming tao sa paligid niya.
Mukhang kelangan kong gumawa ng moves.
____
Jennin POV.
Nahihiya ako kay Sam.
Una tinulungan niya ako sa mga hito este mga babae kanina. Nako nahahawa na ko sa bff ko. Pangalawa ito nilibre pa ko ng pang lunch. Hays nahihirapan paden akong kumilos kase hindi ako sanay. Andito pa kame sa canteen kasama sila Josh at Rhaldin.
Si Rhaldin.. naalala ko na naman yung nangyari sa Mall. yung k-kiss. Sana hindi nila mahalatang ang pamumula ko.
"Sadako, Namumula ka.." Josh habang kumakaen.
"Ah. Eh. Anoo ang init kase.."
"May aircon nama-" Rhaldin pero bigla din siyang napatigil at .. at namula din. Bakit?
"Oh. pati ikaw Rhaldin namumula" Bff na gulat pa.
"Ah. Oo nga ang init dito sa canteen masyadong mahina yung Aircon. Ano ba yan ang laki ng binabayaran naten dito tinitipid nila tayo dito."
Mabilis at mahaba niyang paliwanag. Napatigil si Josh na ang itsura e pasubo na sana siya ng kinakaen niya ang resulta mukha siyang tanga. hahaha
"Wow, haba nun pre ah."
"Ah.Eh sige una na ko may dadaan pa pala ko. Kita nalang sa room. Bye"
"O-kaay?" Si Bff na ang bumasak ng katahimikan. "Anong nangyayari sa kaibigan niyo?"
"Di ko din alam.." Si josh na walang alam
"Marami lang pinapagawa sakanya ang daddy niya alam muna Josh."
singit ni Sam.
"Ah oo." Hindi namen naintindihan ni Bff pero binalewala na lang namen.
____
(A/N) Maraming Thank you kay HeIsACyBorg sa pag gawa ng cover ko dito sa kwentong ito. Hihihi
Comment ang vote po.
Loveyaa~~
BINABASA MO ANG
The Melody of Love
Teen FictionShe Love Music and Music Love her. "Music is My Life"