3 - Pasensya

73 0 0
                                    

PASENSYA

    Nagsimula sa mundong dapat ay wala ako

Pero heto at ikaw ang nakilala ko

Nagsimula sa "kamusta ka?"

Tumuluy-tuloy na tuwing umaga

At pinakita mong ako'y mahalaga


Isa.

Isang linggo lang ang lumipas

Para sabihin mong mahal mo ako

Totoo ba?

O sadyang kaloko-loko lang ako?


Dalawa.

May dalawang salita kang kailangan malaman.

TAKOT at COMMITMENT

Ay, ako nga pala 'yan,

Takot sa commitment.


Tatlo

Tatlong salita lamang pero nasira ang pagkakaibigan

Sa pag sabi mo ng "I love you"

Ako'y hindi naniniwala

Dahil ilang beses na akong binigo niyan


Apat.

May apat na salita ako para diyan

Pero nasisiguro kong masasaktan ka

Kaya ngayon pa lang pasensya

"Hanggang kaibigan lang talaga"

PoemsWhere stories live. Discover now