Chapter 3

5 1 0
                                    

"Being pretty doesn't keep a man."

"Kaya wag mo na pagnasahan yang make up kits na yan Pein, coz if a man wants to stay, he will."

Hinila ako ni Cleb papunta sa wine section ng grocery. Hindi ko talaga gusto ang trato ni Cleb sakin, masyado niya akong niri-realtalk. Sa araw-araw na dumadaan, araw-araw din akong nakakarinig ng mga payo niya na nagpapatamlay sakin.

Bigla ko na naman naalala si Rafael. "Being pretty doesn't keep a man." paulit-ulit kong sinasambit sa utak ko ang sinabi ni Cleb. "Then what makes a man stay? What makes a man leave?" Tanong ko sa sarili ko.

"Ano sa tingin mo?" bulalas ni Cleb.

"Hindi ko din alam, ang hirap naman kase nila intindihin e. Hindi ba nila alam na may nasasaktan?" tumingin ako kay Cleb ng seryoso, nakita ko naman ang ekspresyon nila na tila nagtataka at parang may sasabihin pero di makapagsalita. May hawak-hawak din siyang dalawang bote ng wine. Nagpatuloy ako.

"If treating him good was not enough, let me treat him better. Ginawa ko ang lahat. Pinahalagahan ko siya gaya ng kailangan niya" pagpapatuloy ko habang naglalakad at nakasunod lang sakin si Cleb na nakanganga na ngayon, namamangha ba siya? Anyway "Pinilit kong iparamdam na hindi siya nag-iisa. And now, ako yung talo. Ako yung naiwan, ako yung nasasaktan.

"Bakit kaya gano'n no?" sumulyap ako kay Cleb, alam kong nakikinig siya kahit abala sa pagpili ng wine. "Bakit kaya tayo nasasaktan? Bakit tayo affected? In the first place naman, alam ko nang malabong magkaroon ng future ang relasyon namin. Pero sumugal pa rin ako. I spent all my time with him. And still, I can't beg him to stay."

Napatigil ako nang maramdaman kong may bumangga sa likod ko na napakatigas na bagay. "Ouch!" pagsigaw ko. Agad akong tumalikod para makita kung ano 'yun. Nagulat ako dahil isang matipunong lalaki ang aking nakita na tila ba larawan ng isang mabuting tao. Mapupungay ang mga mata niya at para bang nangungusap sa bawat pagpikit at natatakpan ito ng mahahaba niyang pilik-mata.

"Ay surii Ma'am, di ku man nakita ang daan kaya ganun. Suri Ma'am, uki lang pu ba kayo?" pagsasalita niya.

"Ah, yes po. Okay lang po, kayo po?" natataranta ako, hindi ko alam kung bakit.

"So, what's the problem here?" pagsasalita ng isang lalaki habang nakatingin sa puwesto ko. Naka-longsleeves siya pero nakatupi ito sa may braso kaya kitang kita ang laki ng braso nito at bakat ang mga muscles. Siya siguro ang manager.

Biglang lumipat ang tingin niya sa lalaki na nakabangga sa akin. "Makoy, ikaw na naman? Diba sinabi ko na sa'yo na mag-iingat ka, mga alak pa naman ang dala mo" pagalit nitong banggit.

"Ay sir, I'm sorry, I was the one na nakaharang sa daan kaya po nabangga ako. It was my fault sir" pagpapaliwanag ko. Hindi ko alam pero bigla nalang ako nakaramdam ng awa kay Makoy.

"Oww, I see." Nagulat yung manager sa sinabi ko at parang di makapaniwala na gagawin ko yun. Siguro it was his first time na nakakita nang inako ng customer ang kasalanan, pero hindi e. Nagpapalit-palit siya ng tingin saming dalawa ni Makoy, and after a second pinabalik na niya sa trabaho si Makoy.

Bago pa man makaalis si Makoy, nginitian niya ako na parang nagpapahiwatig ng 'thank you'. Ngumiti nalang din ako bilang tugon. Nawala na bigla sa paningin ko yung Manager, kakausapin ko pa sana na huwag na pagalitan si Makoy dahil nakakaawa naman kung mawawalan ito ng trabaho.

Nagpalingon-lingon ako sa paligid pero wala talaga.

"Huy, wag mo na hanapin, nakuha ko na pangalan. Chat nalang natin mamaya, bebs. Lezzgoo."

"What?"Aba't nakadagit na naman itong si Cleb.

"Whatever" inirapan lang ako ni Cleb na para bang walang nangyari. Babalik na sana ako sa pagdadrama nang biglang tinapik ako ni Cleb.

"So, ano nga sa tingin mo?" hawak niya yung bote at hindi pa niya binibitawan mula kanina. Gano'n niya ba kagusto yung wine? Para di niya bitawan agad? Sana ako nalang yung wine, tapos si Cleb si Rafael, hys.

"Cleb, diba nga sabi ko sayo kanina, I don't know how to keep a man, so wag mo na ako tanungin pa."

"What?" nagtataka niyang tanong.

"I thought you were asking 'bout how to keep a man?" sagot ko.

"Pein? You okay?" may pag aalala sa mga mata ni Cleb. "Tinatanong kita kung alin sa dalawang wine ang bet mo."

"What? E bat di mo sakin sinabi kanina? Hinayaan mo lang ako magsalita ng kung ano-ano."

WTH.

"Mas okay nga yun e. Nailabas mo yang gusto mong sabihin. So di na kita kailangan tanungin which is better, perahas ko na bibilhin dahil parehas mo 'to kailangan."

Naiwan ako sa wine section na nakatulala sa kawalan. Pilit kong inaabsorve ang mga sinabi ni Cleb. Omyy anong nangyayari sakin? Bakit ba laging si Rafael? Damn it Pein.

Naglakad na ako para sundan si Cleb na ngayon ay nasa bahagi na ng mga chichiria. For what? Omyy, pulutan ba Cleb? Ay nako, di ko na siya kayang pigilan kaya hinayaan ko nalang.

Nilagay na namin lahat ng pinamili sa counter pero wala pa din ako sa sarili ko. Iniisip ko ang nangyayari sakin lately. Bigla na namang pumasok sa isip ko si Makoy. "Ha? Ano namang connect niya sa buhay ko?" Hays. Siguro pagod lang to at dala na din ng stress sa school.

Nakarating na kami sa dorm nang ganon kabilis, di ko namamalayan 5 pm na pala. Kinuha ko ang phone ko at saka tinawagan si Mama. Di ko pa pala siya nakakausap mula nung Lunes at Lunes na naman bukas kaya magiging busy na naman ako sa school.

D-in-ial ko ang number ni Mama. Nagring naman agad ito, at sinagot agad ni mama.

"Hello, Ma?"

"Oh by, kamusta ka na? kahapon ko pa inaantay ang tawag mo." Nag aalala sakin si mama, sanay kase siyang natawag ako twing Sabado. At sinabi ko din na wag ako tawagan baka di ko masagot kaya ako nalang ang tatawag sa kanya.

"Okay lang po ako Ma. Ikaw po? Si ate?"

"Anak, wag mo kami intindihin masyado. Okay lang kami dito. Ikaw ano? Kamusta na? Baka di ka na kumakain diyan? Baka gabi ka na umuuwi ha? Mag iingat ka dyan."

"Ma naman, opo nag iingat ako dito. Kayo din po diyan, alagaan nyo po sarili niyo at wag po masyado magpagod." Napapangiti ako sa tuwing kausap ko si Mama, I feel so safe sa kanya kahit malayo kami sa isa't-isa.

"O sige na anak, magpahinga ka na at maaga ka pa bukas. Mag-iingat ka diyan ha, I love you by."

"I love you too, Ma." Saka ko in-end ang tawag.

I love it when my mom called me baby. Kahit na 18 years old na ako, baby pa din niya ako. Miss na miss ko na ang Mama ko. Miss ko na ang yakap niya, ang haplos niya sa buhok ko, at ang mga gabing katabi ko siya matulog. Mula pagkabata siya na katabi ko matulog at hanggang nung bago ako umalis sa probinsya, siya pa din ang katabi ko. Hindi ko alam pero gusto ko siya kasama sa lahat ng bagay. Weird ba pakinggan? Well, I love my Mom very much, and I want to give her the life she wanted.

Tama na siguro ang pag-uusap namin ni mama para ma-fill ang lungkot na nadarama ko ngayon. It's Sunday night at kailangan ko matulog nang maaga dahil maaga din ako bukas.

I wish I can go back in time when I can spend my days with my family.

Go Back In TIMEWhere stories live. Discover now