Chapter 6

5 1 0
                                        


Kalahating metro nalang ang layo nya mula sa akin. Hindi ako mapakali, hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na ito. Hindi na tama ang pagtibok ng puso ko. Pakiramdam ko sasabog na ito anumang oras ngayon. Nakatitig lang sakin si Rafael. Hindi ko alam ang dapat na sabihin sa kanya. Ni-walang salita ang gustong kumawala mula sa bibig ko. Ang alam ko lang, ayaw kong matapos ang sandaling ito. Ayaw kong matapos ang tagpong nakatitig lang sa akin ang lalaking pinakamamahal ko na para bang ako lang ang nakikita niya.

Pinutol niya bigla ang tagpong iyon at saka sumenyas sa isang staff don, lumapit naman ito. May sinabi si Rafael pero hindi ko narinig dahil abala ang buong pagkatao ko sa pag-iisip kung ano ang dapat kong gawin sa mga oras na ito.

Maya-maya pa ay isa-isa nang nagserve ng pagkain ang mga staff. Hindi ko mabilang kung nakailang balik sila sa table namin pero sigurado akong marami na ngayong pagkain sa lamesa namin. Nasa ganoong posisyon lang ako nang hawakan ni Rafael ang kamay ko. Nanlamig ako bigla kasabay ng pakiramdam na parang pinagpapawisan ako.

"Pein, let's eat" pag-aalok niya.

Hindi ako sumagot dahil kinakabahan ako at tanging tibok lang ng puso ko ang naririnig ko.

"Look, I have here siopao, carbonara, lasagna and more" pagsasalita niya. "And ako nagluto nito" kabadong sabi ni Rafael. Napangiti naman ako ng marahan dahil sa ideyang ipinagluto ulit ako ni Rafael. Sa anim na buwan, matitikman ko ulit ang luto niya na paraan niya sa pagsuyo sa akin. Hindi ko tuloy malaman kung sa pagkakataon bang ito ay muli ko siyang pagbibigyan.

Binitawan niya ang kamay ko at saka nagdasal. Nagpasalamat siya sa Maykapal dahil masaya daw siya at kasama niya ako. Nagsorry din siya dahil sa isang bagay na hindi niya binaggit. At sa huli, humiling siya na sana, in God's will, maibalik ang lahat. Napatigil ako sa sinabi niya pero siya ay patuloy lang sa pagdadasal. Nang matapos siya at nagserve siya sa plato ko ng pagkain. Pagkatapos niya ay muli niyang hinawakan ang kamay ko. "Susubuan pa ba kita?" tanong niya. Napangiti sya at nakita ko namang muli ang perpekto niyang mukha na umaakit sa akin.

"Kaya ko" sagot ko sa kanya. Finally, nagkaroon na ako ng lakas ng loob.

Nalungkot naman siya bigla dahil sa sinabi ko. Siguro alam niyang iba na ang ibig sabihin no'n. Kaya ko nang wala siya.

"Alam kong gutom ka na, kaya kumain na tayo."

"Don't worry, walang lason yan" sambit niya sabay ngumiti.

Sinimulan na niyang kumain, dahil alam niyang hindi ako kakain hangga't hindi siya nagsisismula. Naalala ko tuloy yung unang beses na sabay kami kumain.

"Kain ka na Pein."

"Ikaw muna" sagot ko.

"Eh. Ikaw muna una," pamimilit niya.

"Ikaw na nga Rafael"

"Ay bahala ka, mamamatay na tayo't lahat inuuna pa kalandian" pagalit niyang sabi pero natawa din siya.

Napangiti ako bigla. Nawala sa isip ko na kasama ko nga pala si Rafael.

"May naalala ka?" tanong ni Rafael.

Marahang ngiti lamang ang sagot ko.

"Yung unang beses na magkasabay tayo kumain?" nakangiti niyang sambit.

"Hindi, naalala ko lang katangahan ni Cleb nung nakaraan." Pinilit ko ang sarili ko na sumagot nang cold. Gusto kong makita sa mga mata niya kung nasasaktan ba siya. Hindi naman ako nabigo dahil binawi agad ni Rafael ang ngiti sa mga labi niya nang sabihin ko 'yon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 15, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Go Back In TIMEWhere stories live. Discover now