Chapter 4

10 0 0
                                    

>CRING CRING CRING<

"Ugh! 4am alarm really sucks" agad akong bumangon sa kama ko at inayos ang pinaghigaan ko.

Maaga ako gumising ngayon dahil exam week namin at di ko kayang bumagsak. Agad akong pumasok sa banyo para maligo at ma-refresh ang utak ko. Nang dumaloy ang malamig na tubig sa katawan ko, bigla akong nahilo. Pakiramdam ko umiikot lahat ng bagay na nakikita ko at unti-unti akong nawawalan ng paningin.

Tuluyan kong ipinikit ang aking mga mata at saka nagdasal. Naalala ko na nangyari na sa akin ito nung bata pa ako. At sinabi sakin ni Mama na ipikit ko ang mga mata ko at saka magdasal. Habang tumutulo ang tubig mula sa shower, kasabay nito ang pagpatak ng likido mula sa aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at maayos na muli ang pakiramdam ko.

Sa mga sandaling iyon, natulala ako at nagtataka kung anong nangyayari sa akin. Agad akong bumalik sa katinuan at ipinagpatuloy ang paliligo. Nagbihis na agad ako at tinuyo ang buhok ko. Napatingin ako sa salamin. Nakita ko ang sarili ko na kakaiba ang kulay. Namumutla pala ako? Or baka malabo lang ang vision ko dahil di ko pa suot ang eyeglasses ko.

Agad kong isinuot ang salamin ko saka tinitigan ang sarili. Namumutla na ang aking mga labi at ang ilalim na mga mata ko umiitim na. Palubog na din ang aking mga mata at kitang-kita ang depresyon sa mga ito. Ang katawan ko ay namamayat na rin, kung noon medyo mataba pa ako, ngayon hindi na. Napakagat ako sa labi at naalala si Mama. "Anak, wag mo kami intindihin masyado. Okay lang kami dito. Ikaw ano? Kamusta na? Baka di ka na kumakain diyan? Baka gabi ka na umuuwi ha? Mag iingat ka dyan."

Ipinikit ko ang aking mga mata at pinilit i-set aside ang nakita ko sa salamin. Naupo na ako sa study table ko nagsimulang magreview. Kahit anong pilit kong basahin ang mga notes ko, hindi talaga ito pumapasok sa utak ko. Nagpahinga ako saglit at kinuha ang phone ko. Nagbukas muna ako ng Facebook account ko at tiningnan ang messenger ko. Nakita ko ang chat sa akin ng ate ko.

"Hi by? Tuloy ka ba this weekend?" chat ni ate. Oo nga pala, uuwi ako sa probinsya this weekend dahil tapos na ang first semester. Time ko na din yon para makasama sila Mama at makapagpahinga na din ako. Nireplyan ko si ate na magtetext nalang ako pag natuloy ako.

I-ni-gnore ko muna ang ibang messages sa akin, dahil magrereview pa ako ng notes ko. Ala-sais na din ng umaga at kailangan ko na mag-almusal. Lumabas na ako ng kwarto ko at pumunta sa kusina. Naabutan ko ang mga kasamahan ko sa dorm na kumakain habang may notes na katabi at binabasa ang mga iyon. Mga scholars din karamihan ang kasama ko dito kaya no time for walwal ang tema ng buhay nila. Nilingon ko ang buong kusina pero di ko nakita maski anino ng baklita kong besty. Saan naman kaya yon nagpunta? O baka nauna na si Cleb, pero ang aga naman ata.

"Dorothy!" pagtawag sa akin ni Marie na isa kong kasamahan sa dito sa dorm. "Pinapasabi ni Cleb na uuna na daw siya dahil may aasikasuhin pa siya" nagulat ako ng marinig ang sinabi ni Marie dahil nagtataka ako kung ano ang aasikasuhin ni Bakla. "Ahh, gano'n ba? Sige salamat Marie" pag papaalam ko sa kanya dahil paalis na siya. Nag-goodluck hug naman ako sa iba ko pang kasamahan, dahil nga mga study first ang tema nila kaya kasundo ko silang lahat.

Kumuha ako ng makakain at naupo sa paborito kong pwesto sa mahabang lamesa ng dorm. Nakita ko naman na papasok ng kusina si Aling Tesa, siya ang namamahala dito at maswerte kami dahil napakabait niya at parang nanay na namin.

"Magandang umaga Nanay Tesa!" pagbati ko sa kanya.

"Mas maganda ka pa sa umaga Dorothy!" sagot naman ni Nanay Tesa. Ang sarap sa pakiramdam dahil may napapasaya akong tao at pakiramdam ko buo na agad ang araw ko. Agad namang pumasok sa isip ko si Mama, namiss ko tuloy, si Nanay Tesa kase e, binati akong maganda. Hahahahaha.

Go Back In TIMEWhere stories live. Discover now