CHAPTER 5
When someone truly cares about you, they make an effort not an excuse. I'm still waiting for that someone who'll never get tired listening to my pointless dramas and corny jokes. I'm still waiting for someone who'll never stop reminding me how beautiful I am even though I'm not. I'm still waiting for that someone who'll treat me as his princess and will don't say I love you that easy but prove it first through actions.
I never wish to be perfect; I just want to be happy. And I will never be if I'll let this hatred clog my heart. Siguro tama nga si Cleb na kausapin ko na si Rafael. Hindi ako tinigilan ni Cleb hangga't hindi ako pumapayag. Gusto ko rin naman makita si Rafael. Nagdadalawang-isip lang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin sa kanya.
I told Cleb how I missed Rafael. And sinabi ko din na hindi ko alam ang sasabihin ko kay Rafael dahil sa nangyari sa amin. At lalong hindi ko sigurado kung magkakaroon pa ba ako ng lakas ng loob na magsalita kung sakaling kaharap ko na siya. Gulong-gulo ang isipan ko last exam week dahil sa pagpapakita ni Rafael kay Cleb. Hindi naman ako pinagmadali ni Cleb dahil pinatapos niya muna ang exam week at ang pagpapapirma ng clearance ko for the first semester.
Alam kong may dahilan si Rafael kaya nais niya akong makausap, ngunit di ko mahulaan. Wala naman na kasing dahilan, diba? Bakit naman siya makikipag-usap sa ex-girlfriend niya na hiniwalayan na niya. Well, hindi ko din naman alam kung bakit gano'n kabilis maglaho ang pangalan niya sa usap-usapan sa campus gayong alam kong naandon pa rin siya. Mabuti na rin iyon na hindi nagtatagpo ang mundo naming dalawa.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong nabuhayan sa ideyang magkikita kaming muli ni Rafael mamaya. Bago ako umuwi sa probinsya ay magkikita muna kami. Doon muna ako sa probinsya sa loob ng isang linggo. Magpapahinga muna ako sa abalang lungsod ng Maynila at lalasapin ang malamig na simoy ng hangin sa Laguna. Ngunit alam kong magbabago ang mood ko once na makausap ko si Rafael. Hays, bahala na.
Tapos na ako mag-impake ng ilang mga damit at personal belongings ko at agad akong pumunta sa banyo para maligo. Iniisip ko kung anong isusuot ko dahil magkikita kami ni Rafael. Napangiti ako bigla dahil sa ideyang iyon pero agad ko itong binawi. Nang matapos na ako maligo, tinuyo ko ang buhok ko at saka naghanap ng damit na maisusuot.
Kinuha ko ang skirt na binigay sakin ni Cleb noong birthday ko at saka isang red top na medyo revealing. Isinukat ko ang mga ito at saka humarap sa salamin. Ugh! Kadiri! Hindi talaga ako sanay sa mga ganito. Agad ko iyong hinubad at saka naghanap ng pwedeng maisuot. Habang abala sa maghahanap ng maisusuot, narinig kong may kumakatok sa pinto. Si Cleb na naman iyon.
"Wait lang! Nagbibihis pa ako!" pagsigaw ko.
"Okay! Mag-make up ka!"
What? Make up? Ughh!
Hindi ako sanay sa make ups pero naglalagay naman ako kapag kailangan, pero sa ngayon obvious namang hindi.
Nakita ko yung white shorts na binili sakin ni Mama bago ako umalis ng probinsya. Kasya pa kaya sa akin ito? Agad ko iyong isinuot. Hindi siya kahabaan pero hindi naman gano'n kaikli. Nakita ko ang naka-hanger na blue three-fourths na loose. Isinuot ko iyon saka humarap sa salamin. Napangiti ako bigla dahil sa suot ko, nanibago ako bigla dahil sanay akong nakapants and vneck tshirt. I've decided to wear a gray flat shoes.
"Okay na" hindi naaalis ang ngiti sa mga labi ko. Sinuklay ko lang ang buhok ko dahil sa wavy na ito at mukhang hot oiled dahil nagsusuklay na ako palagi. Pero madalas talaga akong tamarin sa pagsusuklay kaya hindi pansin ang buhok ko. Naglagay lang ako ng hair clip na black sa kanang bahagi. Napansin kong mas maganda kung lalagyan ko din sa kaliwa. Nag-iwan ako ng ilang hibla sa magkabila. Naglagay na din ako ng make up. Light make up lang ang nilagay ko dahil hindi ako sanay. Pinili ko ang grapefruit na liptint na binili ko last week. Nagspray ako ng perfume sa katawan, siguradong maaalala ni Rafael ang amoy na ito.

YOU ARE READING
Go Back In TIME
Teen Fiction"Don't depend too much on anyone in this world, even your shadow leaves you in darkness."