It’s been a week after that dinner with Miss Sison but still, tulala pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit madalas nae-alien ako. Hindi ko alam kung bakit madalas na akong natutulala. I don’t have any idea why Raf always pop up. Lagi ko na siyang naaalala. Nababanggit ko nalang bigla ang pangalan niya lately. Last night natulog na naman ako sa ilalim ng lababo. Ang weird. Ang weird ko. Kaya siguro ako iniwan ni Raf. Nagsasawa na siguro siya sa mga kilos ko. Nahihiya na siguro siyang may kasabay na babaeng hindi man lang makapagsuklay.
Masaya naman kami dati e. He used to be my man. I used to be everything to him. After class hours sinusundo niya ako para sabay kaming pumunta sa pinakamalapit at favorite naming café kung saan pag uusapan namin ang nangyari sa buong maghapon namin. Then kung may hindi siya nagets na lesson, tuturuan ko siya. Umaabot kami ng 9 pm magkwentuhan sa café, minsan nakakatulog na siya.
Naaalala ko pa kung paanong ang hugis ng labi niya ang umaakit sa mga mata ko para titigan pa siya. Yung mga panahong mapapangiti nalang ako sa tuwing todo salita pa ako sa pag-eexplain sa kanya, yun pala nakatulog na. ‘Yung mahahaba at nakakurba niyang pilik-mata na kitang-kita sa tuwing nakapikit siya. Ang pinkish niyang pisngi na napakalambot. At yung matangos nyang ilong na kumukumpleto sa perpekto niyang mukha.
I used to love him. I used to love Rafael Sebastian back then. Akala ko okay na kami. Akala ko pang-matagalan na. Akala ko seryoso siya. Sino ba naman ang hindi aasa? Rafael was once a badboy. He’s into alcohol. He used to play girls’ feelings. Pero nung nakilala ko siya, nagbago siya. Binago niya ang sarili niya para sakin. And by that time, nakita ko ang totoong Rafael. I saw him on his worst when he found out his dad with another woman. Nakita ko kung paano siya nasaktan, kung paano siya umiyak, at kung paano niya dinala yon without his Mom.
At dahil don, minahal ko siya. Minahal ko siya hindi dahil gwapo siya. Minahal ko siya hindi dahil mayaman siya. Minahal ko siya sa kung sino siya. Minahal ko si Rafael sa paraang alam kong gusto at kailangan niya. Minahal ko siya dahil ayaw kong maramdaman niyang nag-iisa siya. Ginawa ko ang lahat maging komportable lang siya sa buhay niya.
Minsan naisip ko din kung paano na ako kapag iniwan niya. Paano na ako kung makakilala siya ng iba. Paano na ang mga pangarap namin para sa isa’t-isa?
Hindi nagtagal ang relasyon namin at sa loob ng limang buwan na pagsasama, sumuko na siya. Hindi ko alam ang gagawin ko noong mga panahong iyon. Luha nalang ang sagot ko sa mga taong nasa paligid ko.
Hindi ko malilimutan yung araw na iyon, June 28, Wednesday. Alam kong bago ang araw na iyon nag-away kami. It’s just a little quarrel. At di ko akalain na iyon ang magiging dahilan niya para hiwalayan ako.
Nanlamig siya bigla at di ako nirereplyan habang nakikipagchat sa iba. Okay lang. Pinalampas ko nalang dahil ayaw ko namang lumaki pa ang issue. Okay lang naman sakin na makipag usap siya sa iba habang ako ang naghihintay sa reply niya.
Humingi siya ng cool off, binigyan ko. One week. One week ang sinabi ko sa kanya until marealize niya kung ano ang tumatakbo at gumugulo sa isipan niya. Hindi pa man natatapos ang one week, I already knew. Sinabi din naman niya na may doubt na siya between me and Tanya.
The day before our 6th monthsary was the most unforgettable day with him. He broke up with me. He left me as if I’m just nothing. Sabi niya sinukuan ko na daw siya a month ago but he don’t even have proof. Hindi ko siya sinukuan dahil hindi ko kaya, kase mahal na mahal ko siya.
But still, tanga ako. Kase naniwala ako na may future ang relasyon namin. I’m so stupid to believe that love conquers all. I’m such an asshole holding on a promise of forever.
I’d end up disappointed because of what happened. I’d end up crying and out of nowhere, wishing him to come back. Is it destiny who forbids us to love? Does destiny know how it hurts? Does destiny have any idea how badly broken I am? We’re happy and I thought it’s endless.
YOU ARE READING
Go Back In TIME
Teen Fiction"Don't depend too much on anyone in this world, even your shadow leaves you in darkness."