Kabanata 01

790 26 3
                                    

Mark ☠

Maaga akong nagising kase maaga ring magtitinda si Mama sa palengke.

Pagkarating ko sa skwelahan, madaling araw pa. 

Nang tiningnan ko ang aking relo, 5:30 pa. 

Nakasalubong ko ang guard sa may gate na maaga ring nagbabantay.

"Boy, bakit ang aga mo?!" tanong nito.

"Nasanay na po kase ako sa dati kong paaralan." sagot ko.

Oo, bagong salta lang kami sa lugar nato.

Dito kase ang bagong lugar na pinagtatrabahuhan ni Papa.

"Ah, sige. Pero huwag kang mag ikot-ikot ha. Baka may mabulabog ka." paalala nito.

"Anong oras po ba magsisimula ang klase dito?" tanong.

"Mga alas sais pa ng umag hijo." sagot nito.

Nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Malaking paaralan 'to." bulong ko sa sarili ko.

Umupo ako sa may bench na malapit sa gym ng paaralan.

Habang nakaupo ako, napapikit ako dahil sa malamig na hangin na dumadaloy at dumadampi sa balat ko.

At nakarinig ako ng bulong.

"Takbo." isang boses ng babae.

Hindi ako makagalaw. Parang may kung anong pumigil sa aking katawan.

Hindi rin ako makadilat. Ano tong nararamdaman ko.

Pero nagpumilit ako, pagkadilat ako ...

Tumambad sa aking ang isang babaeng may mapupulang mga mata na dumidilat-dilat.

Halos magkadikit na ang aming mga mukha.

"Takbo." sabi niya.

At napatakbo ako ng matulin. Napakalayo na pala ng inabot ko.

Nakatingin ako sa likod habang tumatakbo.

Hanggang sa may nabundol akong kung ano.

"Aray!" at nawalan ako ng balanse.

"Okay ka lang ba?" tanong nito sa akin.

"Opo. Pero may humahabol sakin! Babaeng may mapupulang mga mata!" pagtingala ko ....

"Katulad nito?" at ngumiti ito ng malapad.

° ° ° ° ° ° ° ° °

"Mark! Hoy gising!" napalundag ako sa sobrang gulat ko.

"Ano bang nangyayari sayo?" tanong ni Jeff.

"Ha? Wala-wala, panaginip lang pala." sagot ko.

"Ah, halika ka na. Tingnan mo oh, gabi na. Hindi natin 'to matatapos." sabi ni Jeff.

"Ah-oh sige."

Nagligpit kami ng kaunti at lumabas na sa lab.

May tinatapos kase kaming Chemical Analysis.

Habang naglalakad kami, natanong niya ang panaginip ko.

"Ano ba kase ang napanaginipan mo?" tanong niya.

"Wala yun." tipid kong sagot.

"Impossibleng wala."

Nasa 3rd Floor kami ng building at habang pababan akami sa hagdan, nakasalubong namin ang janitor.

"Mga hijo, mag-ingat kayo. Kayo nalang ang naiwan rito." sabi ng Janitor.

"Opo." sagot ni Jeff.

Habang pababa kami, tinanaw ko ulit ang Janitor.

At naglilinis ito ng may malalapad na ngiti.

"Jeff." sabi ko.

"Oh ano?" tanong niya.

May bumabagabag sa isipan ko.

"Takbo tayo." sabi ko.

"Ha? Bakit?" tanong niya.

"Basta." at tumakbo kami hanggang sa nakarating kami sa Guard House.

"Bakit.. ba..?" hinhingal niyang tanong.

"Isipin mo." sabi ko.

"Anong iisipin ko?" tanong niya.

"Guard, may naglilinis pa po ba sa mga oras na ito?" tanong ko sa nag-iisang guard ng paaralan.

"Ha? Umuwi na si Manong Kanor. Bakit?" sagot nito.

At nakita ko ang reaksyon sa mga mata ni Jeff.

"Narinig ko ang huli niyang mga sinabi bago tayo tuluyang bumaba na binulong lang niya." sabi ko.

Hindi pa rin siya makapagsalita sa sobrang gulat.

"Mga hijo, mag-ingat kayo. Kayo nalang ang naiwan rito. Wala ng iba."

  ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° °

Author's Note ♛

For more questions, ask on ask.fm/Lancer08
No Compilations. || No Softcopies.

No part of this story may be reproduced, stored in a retieval system, or transmitted, in any form, or by any means, shall face the prior consequences. This story is purely fiction. This is just a mere and pure imagination of the author. Sorry  if there are grammatical errors /typos.

Thank You ヅ and Godbless everyone and may the Lord be with you ✞

Kabanata 01: Ang Paaralan 
Date Published: June 3, 2014

ALL RIGHTS RESERVED 2014.
© PercyJackson08 ♆

School of DemonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon