Kabanata 05

327 12 2
                                    

Bianca ☠

Hindi maaari 'to. Hindi pwedeng mamatay si Mark. Kasalanan ko ang lahat.

Naging desperada na akong talunin at maipaghiganti ang kung sino man ang pumatay kay Papa.

Mas lalong umihip ang malakas na hangin.

"Biaaanca? Anong nangyayari? At tska patay na ba talaga si Mark?" tanong ni Jeff habang hawak-hawak namin si Mark.

"Gagawa ako ng paraan." sagot ko.

 "Phasmatos Raverus On Animun! Phasmatos Raverus On Animum! Phasmatos Raverus On Animum!" isang resurrection spell.

Gumagana! Lumutang ang katawan ni Mark na senyales dapat na gumagana ang spell.

Pero ... pero nagulat ako nung bumagsak ulit to.

Hindi .... hindi maaari 'to. Bakit hindi gumana? 

"Anong nangyari? Bakit walang epekto?" ngayon umiiyak na si Jeff.

Wala ng ibang paraan. At kung ano man ang naiisip ko ngayon, yun na lamang ang natitirang solusyon.

Jeff ☠

"Jeff. hawakan mong mabuti ang talisman na ibinigay ko sa iyo at itapat ito sa dibdib ni Mark." sabi sa aking ni Bianca.

"Sige, pero bakit? Anong gagawin mo?" tanong ko ulit sa kanya.

Mas lalo pang umiihip ang malakas na hangin. 

"Basta. Ako na ang bahala. At pag nakita mo ang Mama ko, sabihin mo na mahal na mahal ko siya." natigilan ako. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Incendia!" at may pentagram na gumuhit sa lupa. Pumunta siya sa gitna at tinanaw ako bago pa niya gawin ang spell na hindi niya sinabi na kung ano.

"Bianca! Hindi ito ang solusyon! Wala dapat mamatay sa atin!" pipigilan ko sana siya pero napigilan niya ako.

"Jeff wag! Kapag umalis ka sa kinatatayuan mo at iniwan mo si Mark, may demonyong papasok sa katawan niya!" sigaw nito.

Pero hindi. Wala dapat mamatay sa kalokohang ito. 

"Ano ba kaseng gagawin mo?" sigaw ko.

"Pupunta ako sa kabilang mundo." tipid niyang sagot.

"Anong kabilang mundong pinagsasabi mo?" tanong ko ulit.

"Wala ng oras. Basta pupuntahan ko si Mark. Makikipagpalit ako sa kanya. Paalam, Jeff." at sinimulan na niyang banggitin ang spell.

"Hindi! BIANCA! TIGILAN MO YAN! HINDI YAN ANG SOLUSYON! MAS LALONG MAGIGING KOMPLEKADO ANG SITWASYON!" sigaw ko pero hindi na siya nakikinig.

Pinikit ko na lamang ang mga mata ko. Wala na akong magagawa para pigilan siya. 

Hanggang sa ...

"Phasmatos Tribum, Exum Sue, Redem Su Pas Quo!" may sumigaw na isang tinig ng isang babae na galing sa likuran ko. 

Pagdilat ko ng aking mga mata...

Natigilan si Bianca. Tinungo siya nung babae at sinampal na ikinagulat ko.

"Bianca!" at sinampal niya ito.

"Ma-ma." gulat na gulat siya at pati na rin ako.

"Ano bang ginagawa mo? Alam mo bang walang mapatutunguhan ang ginagawa mo dahil hindi sakop ng kapangyarihan mo ang spell na yan! Ang magiging resulta ay mamatay nalang kayong pareho!" sigaw ng Mama niya.

Napaluhod nalang si Bianca at gulat na gulat pa rin.

"Ikaw nalang ang inaasahan ng angkan natin upang ipagpatuloy ang kung ano mang nasimulan natin at ang layunin nating talunin ang kasamaan. At heto? Makikita kitang nagpapakamatay?" sigaw ulit nito.

"Sorry Mama.  Gusto ko lang 'hong ipaghiganti si Papa." sagot ni Bianca habang umiiyak.

"Alam ko. Gaga rin ako katulad mo. Pero nagulat ako na mas gaga ka pa pala." sagot ng nanay niya.

"Ipinagbawal ko sa iyo na gamitin ang kapangyarihan mo." dagdag pa nito.

"Pasensiya na po."

"Tumayo ka. May kasamahan ka pang dapat buhayin." at nakita kong lumiwanag ang kanyang mukha.

"Pero hindi po gumana ang resurrection spell." sabi ni Bianca.

"Alam ko. Hindi naman kase saklaw ng kapangyarihan mo ang resurrection spell. Kumbaga, hindi pa sapat ang kakayahan mo." sagot ng Mama niya.

"INCENDIA!" nagsimula na ang Mama niya. Gumuhit ulit ang isang pentagram na ilaw sa lupa at mas makintad at mas maliwanag ito.

"Halika. Sabay nating gagawin ang spell. Jeff, ilagay mo lang ang talisman sa dibdib ni Mark at dumistansya ka nang kaunti." sabi ng Mama niya pero nagulat ako dahil alam niya ang pangalan ko.

"Sige po." at ginawa ko ang pinagagawa niya.

""Phasmatos Raverus On Animun! Phasmatos Raverus On Animum! Phasmatos Raverus On Animum!" sabay nilang isinigaw at lumutang ulit ang katawan ni Mark.

At paglapag nito sa lupa... kumilos ang kamay nito! BUHAY SI MARK!

  ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° °

Author's Note ♛

For more questions, ask on ask.fm/Lancer08

No Compilations. || No Softcopies.

No part of this story may be reproduced, stored in a retieval system, or transmitted, in any form, or by any means, shall face the prior consequences. This story is purely fiction. This is just a mere and pure imagination of the author. Sorry  if there are grammatical errors /typos.

Thank You ヅ and Godbless everyone and may the Lord be with you ✞

Kabanata 05

Date Published: September 11, 2014

ALL RIGHTS RESERVED 2014.

© PercyJackson08 ♆

School of DemonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon