Kabanata 06

393 15 5
                                    

 Bianca ☠

 Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Buhay si MARK!

Tumakbo akong tumungo sa kanya at niyakap agad.

"Wait, anong nangyari?" tanong pa niya. Tila galing lang siya sa mahimbing na pagkakatulog.

"Mark!" tawag ni Jeff sa kanya.

"Wala. Nakatulog ka lang." sagot ko.

"Pero wait, nasan na yung ...?" tanong niya.

"Panandaliang nawala. Umuwi muna tayo at lumalalim na ang gabi." sagot ni Mama.

Kanina pa ako nagtataka kung bakit alam ni Mama ang pangalan ni Jeff.

Ni minsan ay wala akong kinuwento sa kanya. 

O baka naman talaga gumamut si Mama ng spell.

"Ah, uuwi na rin ho kami ni Mark." sagot naman ni Jeff.

"Huwag. Mas lalong magiging delikado. Magpalipas na muna kayo ng gabi sa pupuntahan natin." lahat kami nagtataka. 

Ano na ba ang nangyayari?

 ☠

"Mama? Saan po tayo papunta? Hindi po ito ang direksyon ng bahay natin." tanong ko sa kanya.

"Alam ko. Basta sumunod lang kayo saken." sagot naman ni Mama.

"Okay ka lang ba talaga? Wala bang masakit sayo?" tanong ko kay Mark.

"Ah,eh. Masakit lang yun leeg ko ng kaunti." sagot nito.

"Nandito na tayo." at huminto si Mama.

"Mama, bakante lote lang po ito." 

Hindi sumagot si Mama. Pumikit siya at nagsimulang gamitin ang kapangyarihan niya.

Hanggang sa ang lupa ang nagkabiya-biyak at may lumitaw na isang hagdan.

"Woaaah." sambit ni Jeff.

"Hali na kayo. Baka masundan pa tayo." at tumungo na kaming lahat sa kung saan man ito.

Pagkarating namin nagulat ako sa mga nakita ko.

Isang napalaking lugar na parang isang kwarto na nasa ilalim ng lupa.

Kumpleto ang mga gamit at napakalinis ng paligid. Pero ...

Sino sila? Sino ang mga lalaking ito?

"PAPA!" sabay na sabi nina Mark at Jeff.

Papa? Wait, pano sila nakapunta rito? At bakit alam nila ang lugar na to?

"Papa bakit po kayo nandito?" tanong ni Jeff sa Papa niya.

"Oo nga po." pagsang-ayon rin ni Mark.

"Tinawagan ko sila ng malaman ko ang nagyayari sa inyo gamit ang locator spell." sabi ni Mama.

"Paano niyo po sila nakilala?" tanong ko.

"Ipapaliwanag namin sa inyo lahat." sagot ni Mama.

Tumabi akong umupo kina Jeff at Mark sa isang couch at ang mga papa naman nila ay tumayo at sinamahan sina Mama.

Hindi ko pa rin maiwasang magtaka at napakarami ko ng mga tanong.

"Magkakilala po kayong tatlo?" tanong ni Jeff.

"Oo. Hindi pa lang kayo pinapanganak ay magkakilala na kami." sagot ng Papa ni Jeff na si Tito Michael.

"Pero bakit po?" tanong ni Mark.

"Kami ay mga taong taga-protekta ng balanse ng mundo." sagot ng Papa ni Mark na si Tito John.

"Sa makatuwid, kung may kadiliman, kami naman ang kabutihan. Tinatawag kaming Demon Slayers."

"WOAAAAH! DEMON SLAYERS?" sabay nina Mark at Jeff.

"Pero Mama, bakit hindi ko po alam to?" sabi ko.

"Dahil naghihintay pa kami sa tamang panahon." sagot ni Mama.

"Kaya kayo may kakayahan kase namana niyo lahat ng mga kakayahan niyo sa amin." dagdag pa ni Mama.

"Tulad ni Jeff na nakuha ang kanyang kakayahan na makarinig ng mga di pangkaraniwan na kanyang namana sa kanyang ama. At si Mark rin na kaya ring makakita ng mga di pangkaraniwan at naman niya sa kanyang ama." paunang sabi nito.

"At ikaw Bianca na namana mo sa akin ang kakayahan mo." sagot ni Mama.

"So tadhana po ang may kagagawan kung bakit kami nagkakilalang tatlo?" tanong ko.

"Oo." tipid na sagot ni Mama.

"Pasensya na kayo at alam naming nahihirapan kayo. Pero ito talaga ang nakatalagang tadhana niyong tatlo." sabi ni Tito John.

"Pero kailangan niyo na munang sanayin at hubugin pa ang mga kakayahan niyo bago kayo sumabak sa totoong laban. Bukas makalawa ay baka magretiro na kami." sabi rin ni Tito Michael.

"Pero sino po si Marcus?" natigilan silang tatlo at nagtinginan.

"Isa siya sa amin .. noon." sagot ni Tito John.

"ANO PO?!" napatanong ako. Hindi ko maiwasang magalit kapag naririnig ko ang pangalan niya. Sinusumpa ko, ako ang tatalo sa kanya!

"Oo, apat kami noon. Pero siya lang ang walang kakayahan. Hindi namin alam pero isa siya sa mga itinadhana para maging isa sa mga Demon Slayers. Pero masasabi kong hindi naman siya naging pabigat sa bawat laban namin, sa halip naging tulong pa siya." sagot ni Tito Michael.

"At ano po ang nangyari?" tanong ni Jeff.

"Dahil sa inggit at pagkasakim, nakaya niyang ipagpalit ang kaluluwa niya sa Demonyo. Para lang magkaroon siya ng mas higit na kakayahan." sagot ni Mama.

° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° °

Author's Note ♛

For more questions, ask on ask.fm/Lancer08

No Compilations. || No Softcopies.

No part of this story may be reproduced, stored in a retieval system, or transmitted, in any form, or by any means, shall face the prior consequences. This story is purely fiction. This is just a mere and pure imagination of the author. Sorry  if there are grammatical errors /typos.

Thank You ヅ and Godbless everyone and may the Lord be with you ✞

Kabanata 06

Date Published: September 13, 2014

ALL RIGHTS RESERVED 2014.

© PercyJackson08 ♆

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

School of DemonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon