Kabanata 04

451 19 4
                                    

Bianca ☠

Ako si Bianca. At alam niyo na siguro kung ano ako. Kailan lang tinuro sa akin ng nanay ko ang paggamit ng mga spells.

Mula pa sa mga sinauna naming mga ninuno, nasa dugo na namin ang pagiging Witch.

Pero, iba kami. Kase ang paniniwala ng lahat, masama ang kami.

At diyan sila nagkakamali. 

"Bianca, saan ka na naman galing." tanong ni Mama.

"May pinuntahan lang po." sagot ko.

"Ginamit mo na naman ba?" sabi ni Mama na tinutukoy ang kapangyarihan namin.

Alam na alam kase ni Mama kapag gumagamit na naman ako ng spells.

"O-opo." tipid kong sagot.

"Tssk Bianca. Diba sabi ko huwag na huwag mo yang gagamitin?" pangangaral ni Mama.

"Mama, may tinulungan lang po ako." pinikit ni Mama ang kanyang mga mata at nagsimulang magsalita ng spell. 

At pagdilat niya, nakita ko ang gulat sa mga mata niya.

Tumayo siya agad at tinungo ako.

"Bianca, bakit ka nangahas na pakealaman sila! Hindi mo kilala ang kinakalaban mo!" sabi ni Mama na niyuyog-yog ako.

"Pero Mama ..." hindi na niya ako pinatapos pa.

"SILA ANG PUMATAY SA PAPA MO!" at nagsimula ng umiyak si Mama.

Hindi. Ang mga kaluluwang iyon? Sila ang kumitil sa buhay ni PAPA ?

Hindi ko na namalayan ang mga tumutulong luha sa mga mata ko.

Umupo kami sa sofa at kinuwento lahat ni Mama.

 ° ° ° ° ° ° ° °

"Mark! Jeff!" sigaw ko sa kanila.

"Ano? Bianca, tulungan mo kami." pagmamakaawa ni Mark.

"Oo nga." sagot naman ni Jeff.

"Oo. Tutulungan ko kayo. Pero sa isang kondisyon." sagot ko.

"Ano?" sabay na sabi nila.

"Sasama kayo sa akin gabi-gabi." sagot ko.

"Anoo?" sigaw nila.

"Pero kung ayaw niyo...." hindi na nila ako pinatapos pa.

"Hindi, tutulungan ka rin namin." sagot nila.

 ° ° ° ° ° ° ° °

Nandito na kami ngayon. Kung saan nangyari ang kababalaghan kagabi.

Pinatulog ko na rin ang mga gwardiya para hindi na sila madamay pa kung may mangyayari man.

"Mark, pano mo sila nakikita." tanong ko.

"Kapag pumipikit ako." sagot niya.

"Pumikit ka." sabi ko.

Nakita kong pumikit siya.

At nagulat ako nang hinawakan niya ang kamay ko ng napakahigpit.

"Nasa harapan mo ang isang babae. Ang kanyang mukha ay natatabunan ng kanyang buhok." sabi ni Mark.

"Jeff. nagsasalita ba?" tanong ko.

"Hindi. Wala akong naririnig na kung ano man."  sagot nito.

"Jeff, sabihin mo. gusto kong makaharap si Marcus." sagot ko.

Si Marcus. Si Marcus ang siyang lalaking sumapi kay Jeff kagabi. 

Si Marcus na pumatay kay Papa.

School of DemonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon