Kabanata 02

418 11 0
                                    

Mark ☠ 

Nanginginig pa rin ang buong katawan ko sa sobrang takot.

Hindi ko maiwasang maisip palagi ang mga nangyari kanina. 

Kahit anong gawing ko, kahit na isipin ko ang ibang mga bagay ay binabagabag pa rin ako sa mga kababalaghan sa paligid.

Naglalakad ako pauwi sa bahay at tanging liwanag lang ng buwan ang nagbibigay sa akin ng direksyon.

Malapit na ako sa bahay nang may nakasalubong akong isang matandang babae.

Tumindig lahat ng mga balahibo ko.

Nakatitig siya sa akin at bakit parang nandidilat ang kanyang mga mata?

Para siyang nakakita nang multo. Eh dapat nga ako pa ang matakot.

"Magandang gabi po." bati ko sa kanya upang baguhin ang atmospera ng paligid.

"Mag-ingat ka. Nasa likod mo siya!" at tumakbo ito ng matulin na parang nababaliw.

Hindi ko kase kilala ang lahat ng tao na nakatira sa lugar na to.

Hindi ko naman kase alam kung bakit pa kami dito tumira.

Maayos naman kami sa dati naming tirahan. Hindi talaga ako naniniwala sa naging dahilan ni Papa kung bakit kami dito tumira.

Alam kong may tinatago siya. Alam kong may mas malalim pang dahilan.

Natigilan ako. May nakalimutan akong i-process sa utak ko.

Ang sinabi ng matanda. Hindi ... Pinikit ko ang aking mga mata. 

Pagtalikod ko ....

"Mark! Gising! Bakit ka ba nakatulog diyan sa labas?" at inaalog ako ni Mama.

Panaginip lang pala ang lahat. Salamat naman.

Pagkatalikod ko sa panaginip ko. May nakita akong isang lalaking nakaitim ang buo niyang kasuotan at may mga mapupulang mga mata.

Pumunta na ako sa kwarto ko. Humiga at pinilit kongmag-isip ng mga magagandang bagay para hindi ako magkabangungot mamaya sa pagtulog ko at pagkatapos kong kumain.

*tick-tock*  *tick-tock* *tick-tock*

Nagising ako sa ingay ng orasan ko. 

Hala, nakatulog na naman pala ako. Hindi na ako nakapaghapunan.

Babangon na sana ako nang may nakita akong anino mula sa labas.

Parang taong nakatayo at animo'y pinagmamasdan ang taong nasa loob ng kwarto.

Pinagmamasdan ako.

Bakit. Bakit iba ang pakiramdam ko dito. 

Pagtingala ko .. nanlaki ang aking mga mata sa nakita ko. 

3:00 AM.

Pinilit kong ipikit ang mga mata ko ulit at nagtalukbong ako ng kumot.

Pero dahil sa curiousity ko, tinanaw ko ulit kung nandun pa ba ang anino.

Halos mapaiyak ako sa nakita ko ...

May mga nakasulat sa dingding ...

"Alam kong gising ka... Halika. Maglaro tayo."

° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° °

Author's Note ♛

For more questions, ask on ask.fm/Lancer08

No Compilations. || No Softcopies.

No part of this story may be reproduced, stored in a retieval system, or transmitted, in any form, or by any means, shall face the prior consequences. This story is purely fiction. This is just a mere and pure imagination of the author. Sorry  if there are grammatical errors /typos.

Thank You ヅ and Godbless everyone and may the Lord be with you ✞

Kabanata 02

Date Published: June 6, 2014

ALL RIGHTS RESERVED 2014.

© PercyJackson08 ♆

 

School of DemonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon