Kabanata 03

498 19 2
                                    

Mark ☠

Matamlay akong naglakad papasok sa paaralan.

Sana'y panaginip lang ang lahat. Hindi pwede.

Pagpasok ko sa classroom namin, tumabi agad ako kay Jeff pero nakita kong parang wala siya sa sarili niya.

Pero nagulat ako nung magsalita na siya.

"Nakita mo na ba siya." tanong niya.

"Ano? Huwag mong sabihing ...." gulat kong sabi.

"Oo. Nakita ko rin ang naka-itim na lalaki." sagot niya na mas lalo ko pang ikinagulat.

"Mark, ang sakit na ng tenga ko. Parati ng may bumubulong saken. Ayoko ko na." at tinatakpan niya ang kanyang mga tenga.

"Nakikita mo ba sila?" niyuyog-yog ko siya.

"Hindi. Pero naririnig ko sila." sabi niya.

Hanggan sa nakaramdam ako ng kung ano. 

Pumikit ako. At sa pagpikit ko. Nakita ko. 

Nakita kong may bumubulong kay Jeff.

Isang babae. Isang batang babae.

Iminulat ko ang mga mata ko. Mabuti nalang at nagsilabasan ang mga kaklase namin.

"Jeff, nakikita ko sila kapag pumupikit ako." sabi ko sa kanya.

"Ayoko nito. Bakit ba to nangyayari sa atin!" at napaluha na siya.

Ngayon ko lang nakita ng ganito si Jeff.

Hindi siugro siya nakatulog kagabi. Alam kong nahihirapan na siya. 

"Kailangan natin makita muli ang lalaking iyon." sabi ko sa kanya.

 ° ° ° ° ° ° ° °

Sadya kaming nagpaiwan ni Jeff sa lab. 

Sa parehong oras, sa parehong lugar.

"May naririnig ka pa ba?" tanong ko sa kanya.

"Wala na." sagot nito.

"Lumabas na tayo. Baka makasalubong natin siya ulit." sabi ko sa kanya.

"Sige." sagot niya.

Lumabas kami at nagsimulang maglakad sa hallway.

"Ngayon, meron na ba." tanong ko sa kanya.

"Wala pa rin." sagot niya.

Bumibilis ang tibok ng puso ko.

Hanggang sa .... biglang dumilim.

Nawala ang sindi ng mga ilaw. Bakit? 

"MAAARK!" sigaw ni Jeff. 

Hanggang sa nawawala ang boses niya.

Hindi ako makakita o makaaninag man lang.

Wala akong choice kaya pinikit ko ang mga mata ko.

Pagpikit ko ...

 °

 °

 °

°

Kaharap ko na ng malapitan ang isang lalaking may mga matang kasing liit ng dulo ng ballpen. 

"Ano bang kailangan niyo!" sinigawan ko ito. 

Ngunit patuloy pa rin ito sa paglapit sa mukha ko. 

Nagsalita ito. Pero hindi ko naririnig. 

Nasaan na ba si Jeff ? 

Dumilat ako at nang pagdilat ko, nakasindi na ang mg ilaw.

School of DemonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon