Welcome back to school sa inyo guys! Ako sa June 9 pa kaya meron pang ilang araw na tambay tambay pa. :)))
Enjooooooooooooooooy!
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter One
Asher’s POV
Dalawang linggo na rin simula noong magumpisa ang klase rito sa pinapasukan namin ng mga kaibigan ko. Simula ng magsimula ang pagpasok namin ay naging busy kai dahil rin sa puro research papers na ipinapagawa sa amin at kailangan maipasa agad sa tamang oras. Napaka-hassle at napaka-trabaho pero kailangan kong tiisin para sa magandang kinabukasan ng kompanya namin.
Nandito ako ngayon sa public library para sa isang research paper na pinagagawa sa amin. Kailangan daw kasi ay magbase sa mga libro kaya naman eto halos magdadalawang oras na ako dito pero wala parin akong mahanap na maayos na reference. Sa totoo lang, may mga nakita na ako pero hindi pa sapat para masuportahan iyong topic na ibinigay sa amin. I find it very hard but I need to this.
Habang nagbabasa ako at nakuha ng ilang details ay biglang tumunog ang cellphone ko.
From: Nanay
’Anak. Andito lang kami nila Tatay at kambal para suportahan ka. We love you.’
Napangiti ako ng mabasa ko ang text na galing kay nanay. Mukhang totoo nga ang mother’s instinct. Kahit na nasa malayo ako ay alam ni nanay na nahihirapan ako ng kaunti. Maya maya pa ay nakatanggap din ako ng text galing naman kay tatay.
From: Tatay
‘You can do it’
At dahil na natanggap kong suporta’t pagmamahal nila ay mas lalo akong ginanahan sa pag-aaral. Gustong gusto ko na silang makita kahit ilang linggo palang ang nakakalipas, kung sa bagay dati kasi ay ginagawa ko lang Manila-Cavite ang America-Philippines sa pagbabalik-balik ko para lang makita sila. Nakakatuwang isipin dahil ang ibang anak ay natitiis na hindi umuwi sa pamilya nila ng ilang taon pero ako hindi ko kayang mahiwalay sa kanila ng matagal. Naiisip ko palang na iiwan nila ako ay parang hindi ko kayang tanggapin.
Pagkatapos ng ilan pang oras ay nakuntento rin ako sa research paper ko na ipapasa na mamaya kapag pumasok na ako mamaya. Mamaya pang gabi pa iyon kaya naman may oras pa ako para magpahinga. Kailangan ko lang ipasa itong research paper mamaya sa British professor ko na tinalo pa si Hitler sa sobrang higpit. Matanda na kasi kaya naman kahit gusto kong sagutin ay hinahayaan ko nalang. Mamaya masabihan pang mga bastos ang mga Fil-Can na katulad ko.
BINABASA MO ANG
Her Paid Husband ★ (On-Going - Slow Update)
ChickLit[Asher Gabrielle Becker Alvarez' Story] Sa kagustuhan na manirahan ng permanente ni Asherina sa America habang siya ay nasa bakasyon ay naisip niyang maghanap ng lalaking willing magpabayad para gamitin ito upang magkaroon siya ng green card. Babay...