Isa na yata ito sa sobrang daming sabaw na update ko. Sensya na guys, kahit na kasisimula palang ng sem ay ramdam ko na yung madaming gawain. Sana maintindihan niyo po na ako'y isang estudyante po na tinatambakan ng gawain ng mga professors. HAHAHAHA Kiddin'. Thank you guys! <3
------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter Nineteen
“Nasa Mall of Asia na ang mga kaibigan ko” sabi ko kay Asher na ngayon ay katatapos lang asikasuhin ang sarili niya. Paalis kasi kami dahil gusto siyang makilala ng mga kaibigan ko.
“Tapos na po ako Mrs. Eto na, aalis na tayo” sabi nito at humalik pa sa pisngi ko. Halos dalawang linggo na rin ang nakakaraan mula noong umamin siya sa akin.
“Tara na” sabi ko rito ng makasakay ako sa loob ng kotse. Pumasok na rin siya at nagdrive na papuntang MoA. Naalala ko bigla tuloy yung naging pag-uusap namin noong gabing ‘yon.
“A-asher”
“I love you, Ina. Pero hindi kita minamadaling sumagot sa akin, gusto ko lang malaman mo yung nararamdaman ko. Gusto ko lang masabi sa’yo kung gaano kita kamahal”
“Baka nabibigla ka lang o kaya naaawa –“
“Alam kong sasagi ‘yan sa isipan mo, gusto kong malaman mo na hindi awa o pagkabigla ang nararamdaman ko para sa’yo. Noong nakabangga kita sa airport, may kung ano kang nakuha sa akin. At noong magkita ulit tayo sa bar, nasabi ko sa sarili kong kakaiba dahil hindi ka man lang marunong magpasalamat sa taong tumulong sa’yo.
At noong nakita ulit kita sa coffee shop ni Jem, doon ko napatunayan na gusto kita. Gusto ko akin ka lang. Ayoko ng may kahati, ayoko ng may kasalo diyan sa atensyon mo. Kaya nga noong sinabi mo sa akin plano mo tungkol sa pagpapagamit sa ibang lalaki, nakaramdam ako ng inis. Dahil iniisip ko palang na may ibang hahawak sa kamay mo, may ibang taong makakahalik diyan sa labi mo, at may ibang taong gigising sa’yo tuwing umaga ay parang gusto ko ng ipa-salvage yung tao.
Possessive pakinggan pero kaya ko inasikaso ng maaga yung kasal natin ay dahil gusto ko sa akin ka na. Gusto ko ikaw na yung makakasama ko hanggang sa mamatay ako. Gusto ko ikaw na yung kasama kong bumuo ng pamilya. Alam kong sarado pa yung puso mo para sa bagong pag-ibig, pero maghihintay ako hanggang sa mahalin mo ako ng buong puso” umiiyak si Asher dahil sa pagmamahal nito sa akin. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman, kung kikiligin ba ako o masasaktan dahil yung gusto kong tao ay umiiyak ng dahil sa akin. Pinunasan ko muna iyong luha niya bago siya niyakap.
“Salamat sa pagintindi sa akin, Asher. Salamat dahil kahit na ano pa ang meron sa akin ay nirerespeto mo ‘yun. Salamat sa pagmamahal, Hubby” sabi ko rito at niyakap siya.
BINABASA MO ANG
Her Paid Husband ★ (On-Going - Slow Update)
Chick-Lit[Asher Gabrielle Becker Alvarez' Story] Sa kagustuhan na manirahan ng permanente ni Asherina sa America habang siya ay nasa bakasyon ay naisip niyang maghanap ng lalaking willing magpabayad para gamitin ito upang magkaroon siya ng green card. Babay...