Short updaaaaaaaaaaaaate <3 Pasensya na at nadelay :D
---------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter Seventeen
“Ano? Iyon ang dahilan niya kung bakit ka niya iniwan bigla noon?” hindi makapaniwalang tanong ni Dana sa akin. Nasa loob kami ng isang restaurant, halos ilang araw narin ang nakakalipas mula noong mangyari ang pagkikita naming muli ni Kevin. Tumango naman ako habang tahimik naman ang dalawa pa naming kaibigan. Kung hirap silang intindihin ang rason niya, mas lalo naman ako. Ako iyong iniwan, ako iyong nasaktan.
“’wag na nating isipin ‘yan. Masisira lang ang araw natin” sabi bigla ni Macy. Tama siya, kapag pinilit pa naming intindihin ang kanyang rason ay pare-pareho lang kaming mababadtrip dahil sa kahit anong anggulo mo tingnan, hindi valid iyong dahilan niya kung bakit niya ako iniwan. Pantangang dahilan siya meron.
“Kamusta naman kayo ng asawa mo?” tanong ni Kristine. Nakita kong parang interesado din ang dalawa ko pang kaibigan tungkol sa sasabihin ko.
“Ayos lang” sabi ko sa mga ito at nalaglag ang panga nila dahil sa ikli ng sinabi ko. Ramdam ko na agad kung ano man ang gusto nilang marinig pero ayokong sabihin sa kanila. Pakiramdam ko ay gusto ko lang solohin iyong mga sinabi niya sa akin. Pakiramdam ko para sa akin lang talaga iyon, ayaw kong ishare sa iba. Parang timang pero gusto ko akin lang iyon.
“Uhm. Asher” tawag ko sa kanya na naging dahilan para mapatigil siya saglit sa pagpasok sa walk-in closet para magbihis. Kasalukuyan kasi akong nakaupo’t nakasandal sa headboard ng kama namin.
“Why?”
“Gaano ba kaimportante para sa isang lalaki ang virginity ng isang babae?” parang tangang tanong ko rito. Habang nag-iintay ng sagot niya ay naramdaman ko nalang na biglang may tumabi sa akin. Natungo kasi ako dahil nahihiya akong ipakita ang mukha ko ay Asher.
“Ang sabi ng nanay noon, mahalaga daw iyon sa isang babae dahil kung sino raw ang pagbibigyan niya noon ay siyang taong mahal na mahal niya” sabi nito. Mahal na mahal ko si Kevin kaya ko naibigay sa kanya iyon.
“Importante sa ibang lalaki iyon dahil para sa kanila, doon nila napapatunayan na sila ang mga nakauna sa mga girlfriend nila. Para sa ibang lalaki, iyon kasi ang katibayan na siya lang ang nakagalaw sa’yo” parang base sa boses niya ay may pagaalanganan siya sa mga sasabihin niya.
Sa totoo lang hindi ko alam kung gaano nga ba kaimportante iyon sa aming mga lalaki. Iba’t-ibang personality naman kasi meron ang mga lalaki. Sa akin naman kasi ay hindi naman gaano kaimportante iyon, basta mahal ko iyong babae.
Meron kasing ibang lalaki na sobrang halaga noon kahit na kung tutuusin ay isang tissue lang naman iyon. Nasisira iyon sa iba’t-ibang paraaan hindi lang sa pakikipag-make love sa isang lalaki. Hindi rin naman iyon considered as part ng katawan ng isang tao dahil hymen lang iyon”
BINABASA MO ANG
Her Paid Husband ★ (On-Going - Slow Update)
Chick-Lit[Asher Gabrielle Becker Alvarez' Story] Sa kagustuhan na manirahan ng permanente ni Asherina sa America habang siya ay nasa bakasyon ay naisip niyang maghanap ng lalaking willing magpabayad para gamitin ito upang magkaroon siya ng green card. Babay...