Two ★ - I'll be your husband, Ina.

13.5K 195 9
                                    

UPDATED! :) May pasok na ako kaya pasensya na po kung medyo mabagal ang magiging update nito at ng MWR pati na ang pag-eedit sa TSGaTCP. :) 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

                        Chapter Two

 

                        Asher’s POV

                Nagulat ako ng biglang umalis si Ina pagkatapos ng pag-uusap nila ni Jem tungkol sa kung anong ginagawa niya rito sa Washington. Tumingin ako kay Jem na nagkibit balikat nalang dahil pareho naming hindi alam kung bakit siya biglang nagwalk-out.

                Pagkatapos ng ilan pang pag-iintay sa oras ay umalis na kami ni Jem para pumasok sa klase ng Briton na professor namin. Nakapasa na’t lahat kami ng research paper namin ay hindi parin maalis sa isip ko kung bakit biglang umalis iyong si Ina. Siguro ay may gusto siyang kalimutan kaya siya biglang natahimik at umalis bigla. Siguro ay broken hearted siya dahil iniwan ng boyfriend sa sobrang taray.

                “Aish!” biglang sabi ko na naging dahilan para tumingin sa akin si Jem at Kirk. Nandito kami ngayon sa isang bar club dahil wala namang pasok bukas. Napailing nalang ang dalawa at uminom nalang ng kanilang alak. Maingay at magulo ang loob ng club, hindi ito yung klase ng club na may sumayaw na strippers o kung ano pa man. High-class club ito rito sa Washington na dinadayo ng mga gustong magsaya katulad ng mga kasama ko.

                Nang mabagot sila Jem at Kirk ay nagpunta sila sa dancefloor para magsayaw at syempre maghanap ng kanilang malalaro. Hindi naman kami playboy o womanizer, mahilig lang talaga kaming mang-flirt ng mga babae. Pero unti-unti ko ng tinitigilan iyon, mahirap na kasi baka mapikot ako ng wala sa oras. Ayoko pa namang mag-asawa dahil maging mas lalong malawak ang koneksyon ng kompanya namin.

                Ang sabi ni tatay kailangan lang ng tiyaga at dedikasyon pagdating sa negosyo kaya naman iyon ang gagawin ko para mas lalo pang maging kilala ang kompanya na pinaghihirapan nila Tatay at Nanay. Hindi ko sisirain ang tiwala nila sa akin dahil para rin sa amin iyong gagawin ko.

                Habang nainom ako mag-isa sa table kung nasaan kami ay nakakita ako ng isang pamilyar na mukha sa may counter. Tila lasing na ito at mukhang umiiyak pa ang isang iyon. Hindi ko alam kung anong meron kay Ina at nagawa niya akong papuntahin sa kung nasaan siya. Oo, si Ina nga ang babaeng lasing at umiiyak sa may counter.

Her Paid Husband ★ (On-Going - Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon