Updateeeeeeeeeeed!! :)))) Dapat kanina pa to nakapost pero dahil nag-under maintenance si Watty. Nag-intay pa tuloy ako. Pasensya na po kung medyo matagal ang UD. May pasok na at estudyante rin ako.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter Three
Asher’s POV
Maaga akong nagising dahil hindi rin malalim ang tulog ko kaya naman, nagluto nalang ako ng almusal naming dalawa ni Ina. Hindi umuwi sila Jem at Kirk dito kagabi sa kadahilanang may nang-aliw sa kanila magdamag. Pagkatapos kong magluto ng bacon, egg, hotdog, ham, at fried rice ay pumunta na ako sa kwarto ni Ina para gisingin siya.
Panigurado akong may hang-over iyon at masakit ang ulo niya kaya naman naghanda ako ng coffee at gamot pampahupa ng hang-over. Pagkadating ko sa kwarto kung saan ko siya dinala kagabi ay naabutan ko siyang natutulog ng mahimbing. Nilapitan ko siya at pinagmasdan ang maganda niyang mukha.
Natatandaan ko noon, palaging pinanonood ni Tatay si Nanay kapag tulog pa siya. Ang sabi niya, ang tunay na kagandahan ng isang babae ay makikita mo sa kung paano ang itsura niya kapag tulog. Kumbaga, para kay tatay kahit na may morning star o tulo pa ng laway si nanay ay maganda pa rin siya para sa kanya. Sabi niya rin, maganda ang mga babae kapag bagong gising sila kasi doon mo makikita ang natural na ganda nito.
Habang pinagmamasdan ko siya ay naalala ko ang mga binitiwan kong salita kagabi. Ako na ang tutulong sa kanya, I know this is one hella move but I want to help her. Marrying someone is not easy lalo na’t hindi mo pa lubos na kakilala ang papakasalan mo. Gusto ko lang siyang tulungan dahil gusto ko siya. Hindi na magbabago ang isip ko, tutulungan ko siya kahit na pwedeng ikasira ito ng sarili ko.
“Hey. Wake-up” sabi ko kay Ina sabay tapik ng mahina sa pisngi niya. Tapos ko na siyang pagmasdan kaya naman gigisingin ko na siya para makakain na kami at mapag-usapan ang mga bagay na dapat pag-usapan.
“Uhhmm” ingit nito ay tumalikod sa akin.
“Ina. Wake-up” sabi ko ulit. Nang hindi ito gumalaw at gumising ay nagpasya akong halikan siya para magising siya.
Dahil sa ginawa kong paghalik ay nagising ng tuluyan si Ina na nanlalaki pa ang mga mata dahil sa ginawa ko sa kanya. Akmang sisigaw at susuntukin niya ako pero napigilan ko agad ang mga kamay niyang nakahanda ng manapak.
BINABASA MO ANG
Her Paid Husband ★ (On-Going - Slow Update)
Chick-Lit[Asher Gabrielle Becker Alvarez' Story] Sa kagustuhan na manirahan ng permanente ni Asherina sa America habang siya ay nasa bakasyon ay naisip niyang maghanap ng lalaking willing magpabayad para gamitin ito upang magkaroon siya ng green card. Babay...