Hi readers! Sorry natagalan ang update. This past few years, madaming nangyari. Nakita ko na ang last update ko was November 22, 2015. I don't even know if may nagbabasa pa ba nito or wala na, but anyway I think I'll be back for good here. Anyway, please enjoy the update below. Sorry for the long wait.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter Twenty - Seven
Trisha's POV
Napangisi ako ng maalala ko kung papaano ko narinig ang usapan ni Asher at Dana. Hindi ko rin naman inaaasahan na nasa iisang lugar kami noong nagkita silang dalawa. I was at the back of their table and hindi nila ako nakilala dahil na rin nakashades ako habang nasa loob ng restaurant and at the same time noong dumaan sila ay nag-oorder ako ng kakainin ko.
Hindi ko inaasahan na itatago ni Asher ang kanyang identity kay Ina, dahil noong nandito pa siya sa Pilipinas ay gustong gusto niya ng attention from other people. But anyway, I know, I'll be winning this fight. Akin lang si Asher. Walang kahit na sino ang puwedeng humadlang sa aming dalawa.
**
Asher's POV
Makalipas ang ilang buwan, tuluyan na kaming nakapag-adjust ni Ina sa Pilipinas. At sa nakalipas na ilang buwan na 'yon, madaming beses ko na ring sinubukang sabihin sa kanya ang totoo, ngunit sa tuwing sasabihin ko na sa kanya ang totoo ay parang tila may gustong humadlang.
*Flashback*
"May gusto akong sabihin sa'yo" kasalukuyan kaming nakahiga dito sa sofa habang nanonood ng movie. Sa totoo lang hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sa kanya ang pagkatao ko, pero kailangan kong gawin 'to kaysa sa ibang tao niya pa malalaman.
"Ano 'yon? Ayaw mo na ba ng pinanonood natin?" nagtatakang tumingin sa akin si Ina. Hindi ko naman maiwasan mapangiti sa itsura niya, halata naman kasing gustong-gusto niya ang pinanonood namin movie.
"Hindi naman. Gusto ko 'rin naman ang pinanonood natin. May sasabihin akong importante sa'yo" seryosong sabi ko sabay hawak sa kanyang kamay. Tila naramdaman niyang seryoso ang sasabihin ko kaya ng tumingin ako pabalik sa kanya ay nakita ko sa mata niya parang sinasabing magpatuloy lang ako sa gusto kong sabihin.
"Gusto ko lang ipaalam sa'yo ang tungkol sa -" seryosong sabi ko pero biglang napatigil dahil narinig namin ang kanyang cellphone na tumutunog.
"Wait Ash, I'll just answer this" wika naman ni Ina at umalis na muna sa sofa upang sagutin ang tawag sa kanyang cellphone.
Tila nanlalambot akong napasandal sa sofa sa hindi malamang dahilan. siguro dala na rin ng takot na mareject at hindi niya matanggap.
*end of flashback*
Hindi lang 'yon, isang beses ay nasa restaurant kaming dalawa at kumakain ng dinner nagsisimula na din akong sabihin pero biglang dumating ang waiter para sa pagkaing inorder namin. Pagkatapos noon, hindi ko na muli pang subukang sabihin sa kanya.
Ngayon, iniisip kong subukan muli pero hindi ko na talaga alam kung saan kukuha ng lakas ng loob para sabihin sa kanya ang totoo. Sa totoo lang natatakot ako sa magiging reaction niya, paano kung hindi niya ako tanggapin, paano kung iwan niya ako, paano kung bigla nalang siyang mawala at hindi na bumalik sa akin. Parang hindi ko kakayanin dahil sobra na ang pagmamahal ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Her Paid Husband ★ (On-Going - Slow Update)
Chick-Lit[Asher Gabrielle Becker Alvarez' Story] Sa kagustuhan na manirahan ng permanente ni Asherina sa America habang siya ay nasa bakasyon ay naisip niyang maghanap ng lalaking willing magpabayad para gamitin ito upang magkaroon siya ng green card. Babay...