CHAPTER 3: I AM WITH YOU
Hindi ko na alam gagawin ko. Narito ako ngayon at nakaupo pa rin sa may swing. Walang nakakaalala sa akin? May pera pa naman ako kaso hindi siya sapat. Anong kaguluhan ito? Hindi ko na napansin na naiyak na pala ako. Nakakainis, sumabay pa ito. Ganoon na nga ang sitwasyon ng kapatid ko, nagkaganito pa. Ano na gagawin ko? Paano na ako? Wala namang nakakakilala sa akin. Tumungo na lang ako at nagsimulang magswing.May narinig ako na nagpatugtog ng kanta, si tricycle driver yata nagpark saglit at ang galing nga naman ng kanta. Tamang-tama pa sa akin e
"I'm looking for a place
I'm searching for a face
Is anybody here I know
'Cause nothing's going right
And everything's a mess
And no one likes to be aloneIsn't anyone trying to find me?
Won't somebody come take me home?"Maya-maya may narinig ako at naramdaman na parang may papalapit na tao sa akin
"Bakit parang pinagsakluban ka ng langit at lupa?" nagtaka ako kung sino ang nagsalita at napaangat ang ulo ko nang hindi oras, nakita ko na ang lalaki ay matipuno, may dalawang dimples sa magkabilang pisngi, may makinis na kutis, siya ay may ngiti sa kanyang labi, dahil sa pagkagulat ko at may kumausap sa akin sa ganitong kalagayan napatingin lang ako,
"Uhmm, Hi! I am Francisco Liam Santiago, you can call me Liam na lang. Don't worry mabait ako. Hindi ako masamang tao. Ikaw? Anong pangalan mo?" Sabi niya with a smile, he even offered his hand para makipagshake hands pero nagtataka pa rin ako sa inaakto niya, para naman hindi siya mapahiya tinanggap ko ang kamay niya.
"Ahhhh, Ako si Bernadette Amara Salazar." Yun na lang nasabi ko. Hindi ko alam bakit ko siya kinakausap kahit stranger siya, at sinabi ko pa buong pangalan ko. Siguro dahil mukha siyang mabait at mapagkakatiwalaan? O dahil desperada lang ako na may kumausap sa akin sa ganitong kalagayan? Hayss
"Saan ka galing? Bakit puro dugo ang suot mong damit?" tanong niya
"Hindi mo na kailangang malaman pa" sagot ko naman, naramdaman naman niya medyo private ang dahilan ko kaya natahimik siya nang saglit
"Ahh ganon ba sorry, uhmmm halika, bilhan kita ng bagong damit, tulungan kita para naman hindi ka na malungkot dyan" sabi niya, aba sino ito? Bigla-bigla na lang akong nanlilibre ng bagong damit
"Wag na, Salamat na lang" sabi ko, nakakahiya rin ano.
"Wag ka nang mahiya, tutulungan kita." Sabi niya. Dahil doon may naisip ako na ideya
"Ahh, Tulungan mo na lang ako, may pupuntahan akong bahay. Kukuha ako ng mga gamit ko doon." sabi ko
"Sige, saan ba yun?" tanong niya
"Ayy malapit lang oh, dyan lang." sabi ko, tumayo na ako sinundan niya ako
Pumunta kami sa bahay namin, may sikretong daan doon na nasa ilalim ng lupa parang underground ganon at sa pamamagitan noon nakapasok kami ng sikreto nang hindi napapansin ng mga tao sa bahay.
Itinuro sa amin ito nina papa at mama para pag may emergency like may magnanakaw or what we can manage to escape and survive. Matatagpuan siya doon sa may likod ng garden, yung gate may susi ako doon. Kaya nakapasok kami sa loob.
![](https://img.wattpad.com/cover/134056837-288-k114841.jpg)
YOU ARE READING
Saved.
Teen FictionA story about a girl on her journey and challenges in life until something unusual happened to her that changed her life forever.