A/n: Hi! Another update! hahaha medyo mahaba siya pero sana magustuhan niyo. Btw, yung mga nakaitalicized na words it means na flashback siya. wag sana kayo malito. :) enjoy!
Chapter 5 : A Walk to Remember
==
"Ayyy! Ano ito? Bakit mo ba ito ginagawa sa akin? Bakit mo ako binasa?"
"Buti nga sa iyo. Ayan ang napapala ng mga mahihina at duwag" sabi ko habang natawa Natutuwa at nageenjoy talaga ako sa mga ganitong scenario.
Binasa ko lang naman si Stella ng tubig habang naglalakad siya sa labas ng school. Nagset ako ng trap kasama mga katropa ko. Mukha lang naman siyang basang sisiw. Nabasa rin ang gamit niya. Buti nga. Hahahaha
"Bakit ka ba nagkakaganyan? Ano ba ginawa namin sa iyo? Sabihin mo nga!" sigaw ni Ethan,
"Wala lang. Hahaha ang saya niyo kasing tignan na ganyan HAHAHAHAHA"sabi ko sabay ngiti ng pang-asar
==
Tandang-tanda ko pa ang mga panahong ako pa ag mastermind sa pambubully at hindi ko akalaing babalik sa akin ang ginawa ko. Nandito ako sa labas. Nagpapahangin kahit ang init init na ng panahon. Napabuntong hininga na lang ako.
Ang bait bait ko pa naman na kaibigan sa mga tropa ko tapos tratratuhin nila akong parang gago, hayss nakakapang-init ng dugo.
Tumingin lang ako sa langit at napansin ko na unti-unti nang nababawasan ang mga tao habang lumalalim na ang gabi.
Hala! Naalala ko pala ang sinabi ko kay Liam. Nasigawan ko siya. Hayss. Paano na yun? Naguguilty ako na ewan pero bahala siya. Siya kasi e, palagi ako pinipigilan.
Pero siya tumulong sa akin hayss kainis talaga once na nagalit ako hindi ko na alam ang ginagawa ko. Nawawala na ako sa sarili ko. Nasasaktan at nadadamay ko ang mga tao sa paligid ko.
"Okay ka na ba?" nagulat ako sa biglang nagsalita, napatingin ako at si Liam pala
"Uhmm, Liam nga pala kanina ano"
"Okay na yon" sabi niya,
"Ehh kahit na, ikaw tuloy napagbuntungan ko nang galit" sabi ko
"Okay lang. Hahaha." sabi niya.
Napabuntong hininga ako. Hindi okay ginawa ko
"Sorry." ang tanging nasabi ko.
"Para saan?" sabi niya
"Sa kanina. Yung nasigawan kita at agad akong sumuko at umalis."sabi ko napangiti naman siya
"Okay lang yon. Normal lang na magalit. Di bale pinaalis na ni Aunie yung mga umaway sa iyo" sabi niya
"Ano reaksyon ni Auntie? Nagalit siya?" tanong ko
"Nagpaliwanag ako at naintindihan naman niya. Papasok ka na bukas ng maaga, tanggap ka na" sabi niya. Nagulat at nagtaka naman ako
"T-talaga? P-paano? Eh pamali-mali nga ako?" tanong ko
"Okay ka na raw para sa baguhan, tsaka kailangan na talaga ni Auntie nang bagong empleyado. Masasanay ka rin naman daw." sabi niya, nakahinga naman ako ng maluwag, mabuti naman ay may isa pa akong chance. Gusto ko kasi magbago. Magpakabait baka kasi sakali na bumalik ulit ang lahat sa dati. Sa dati kung saan naalala nila lahat ako.
YOU ARE READING
Saved.
Подростковая литератураA story about a girl on her journey and challenges in life until something unusual happened to her that changed her life forever.