Chapter 4: Adjustments
Nasa carinderia kami ngayon. Medyo marami ang tao pero may nahanap naman kaming mauupuan.
"Aling Menang!" sabi ni Liam napatingin ako kung sino tinawag niya, yun pala yung may-ari ng carinderia, mukhang close na close sila ah, suking-suki na rito si Liam.
"Oh, Francisco! Aba buti nandito ka na, tamang-tama bagong luto lang mga pagkain ko!" sabi ni Aling Menang, napatingin siya sa akin at tumingin din kay Liam
"Ayy! Syota mo Francisco? Ikaw ha nagbibinata ka na talaga. Sino siya? Ang ganda ha"Tanong niya, nagulat naman ako. Hahaha syota? Hindi ah, maganda raw ako? Haha oo naman syempre hahahaha jk
"Aling Menang, kayo talaga, kaibigan ko lang po siya" paliwanang ni Liam
"ayyy kayo talaga, ngayon ko lang kasi kita nakitang may kasamang babae, siya siya ano ba ang gusto niyong kainin?" tanong niya, tinignan naman ako ni Liam na nagpapahiwatig na umorder ka na
"uhmm, yung ano po adobo po pati po fried chicken" sagot ko
"Ayy sige masarap ang mga ulam namin dito iha, sana magustuhan mo"sabi niya, mukha siyang mabait
Binigyan niya na kami ng ulam at kanin at ang sarap nga! Hayss namiss ko yung mga ganitong luto parang sa nanay ko lang, parati na lang kasi yaya lang nagluluto sa amin at dahil don nawawalan lagi ako ng gana kumain sa bahay at nakain sa labas kasama mga kaibigan ko.
YOU ARE READING
Saved.
Teen FictionA story about a girl on her journey and challenges in life until something unusual happened to her that changed her life forever.