"Uhmm excuse me po, ano po sa tingin niyo ang ginagawa niyo sa kaibigan ko?" tanong ko sa pulis
"Miss, wag ka nang makielam, siya ay sangkot sa isang krimen" sagot ng pulis
"Ha? Ano pong krimen ang sinasabi niyo?" tanong ko ulit
"Umalis ka na Bernadette, okay lang ako" sabi ni Liam
"Anong okay? Eh dadalhin ka nila sa presinto? Makukulong ka, ano ba ang ginawa mo?" tanong ko ulit
"Miss, nakabangga siya ng tao, Reckless imprudence. It is a criminal offence" sagot ng pulis.
"H-ha? P-paano nangyari yon? Uhmm sino po ba nabangga niya?" tanong ko ulit
"Wala na tayong oras, ilagay na siya natin sa presinto, miss sorry, nagmamadali kami" sabi ng pulis
"Sagutin niyo muna ako, sino po nabangga niya?" tanong ko ulit
"Ang kulit naman nito, sabihin mo na nga"sabi ng pulis
"Ikaw na" sabi ng isa pang pulis, susme sasabihin lang e, mahirap ba yon?
"Si Briana Salazar ang nabangga ko Bernadette" sabi ni Liam
"Ha?? nagjojoke ka ba? Kasi Liam hindi nakakatuwa" sabi ko, kinabahan ako sa sinabi niya kaya naman sumeryoso na ako
"Kapatid mo nabangga ko," sabi niya habang nakatungo
"Hindi, hindi ikaw, hindi mo magagawa iyon" sabi ko, hindi ako makapaniwala
"Miss aalis na kami, pasensya na, halika na dalhin na natin siya"sabi ng pulis
"Wait, Liam, Hindi ako naniniwala, hindi ikaw yun, ikaw ang taong tumulong sa akin na dalhin siya sa hospital pero hindi ikaw ang bumangga, hindi di ba?" sabi ko ulit sa kanya, paano nangyari iyon? Bakit siya pa?
"I am sorry Bernadette." sabi niya, pinasok na siya sa kotse ng pulis at naiwan ako doon mag-isa
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Tinawagan ko kaagad si papa sa phone
"Pa, ano po ba ang pangalan ng taong nakabangga kay Briana?" tanong ko
"Anak, bakit mo natanong? Wag kang mag-alala dinakip na siya ng mga pulis" sagot niya
"Pa, please sagutin niyo na lang po ako" sabi ko
"Uhmm, si Francisco Liam Santiago ata iyon, mayroon na akong pinasa na kaso at ikukulong na siya kasama ang owner ng truck na minamaneho niya." sagot ni papa at doon na gumuho ang mundo ko, sobrang nakakagulat na nasaktan ako, siya? Siya talaga?