CHAPTER 1
I Did Something Bad
October 10.
Nandito ako ngayon sa playground kasama ang mga kaibigan ko. Ito kasi ang lugar kung saan madalas kami natambay after class. Pinalayas namin ang mga bata na naglalaro don. Aba abala e! Tumingin ako sa taas at napansin ko na gabi na pala.
"oy, may lighter ka?" sabi ni alisha, ang kaibigan kong hipon, tapon ulo
"oo naman teh, bakit nakalimutan mo?" sabi naman ng baklang si Trisha. Kris talaga pangalan nyan ewan ko ba saan niya nakuha ang pangalang Trisha
"oo e, akin na nga yan" sagot ni Alisha
Naninigarilyo kami ngayon. Wala lang masarap kasi manigarilyo, madalas kami nagwawalwal at palagi ring naabsent sa school kung papasok man, ito ay dahil gusto lang naming mantrip at mambully ng mga estudyante doon. Binabayaran ko lang ang school para makapasa ako.
Maraming takot sa barkada namen. Mukhang gangster na ewan. Pero di kami mga jeje. Wala pa naman akong tattoo at piercing. Pag-iisipan ko pa. Sikat rin kami sa school bilang mga bullies kaya lahat takot sa amin. Matagal-tagal ko na rin sila kasama at nageenjoy ako kasama sila.
By the way, Ako nga pala si Bernadette Amara Salazar at may nakakabata akong kapatid siya naman si Briana Cara Salazar. Naninigarilyo ako palagi pero wala akong pake, wala rin naman nagbabawal sa akin, palagi namang walang tao sa bahay. Maghihiwalay na rin naman mga magulang ko kaya wala na silang pakielam pa. Bahala sila sa mga buhay nila.
Habang kami ay naninigarilyo, nabored kami. Walang magawa. Hanggang sa may napadaan na napakamalas na mga tao. Haha ang galing lang. Mga childhood friends ko pa sila. Sila ay sina Stella at Ethan. Nakita ko si Stella, nagpakulay pa ng buhok kulay red pa, hindi naman bagay sa kanya. Mukhang pumangit rin siya. Bakit kaya hahaha. Si Ethan naman, ganoon pa din. Nakasalamin ng malaki at palaging may dalang libro, typical na nerd lang. Well, dati close na close ang mga yan pero napagtanto ko na lang isang araw na wala silang kwentang mga kaibigan. Mga plastic at pabebe.
YOU ARE READING
Saved.
Teen FictionA story about a girl on her journey and challenges in life until something unusual happened to her that changed her life forever.