Chapter 6: Changes
Umaga na ngayon at maaga akong nagising. Balak ko kasi na ipagluto sila nang umagahan, ang niluto ko ay Chicken tocino, with sinangag at scrambled eggs. Sana magustuhan nila haha, nakita ko na bumaba na pala si Tatay Ernie
"Magandang umaga po" bati ko
"Magandang umaga rin, aba iha, ikaw na ang nagluto?" sabi ni Tatay Ernie
"Opo, ako na, gusto ko nga po pala magpasalamat sa inyo dahil pinagluluto niyo po kami at sa pagpapatuloy niyo sa akin dito" sabi ko kay Tatay Ernie, nagulat naman siya sa biglaan kong pagpapasalamat, napangiti lang kami parehas.
"Nakoo iha, wala iyon tsaka magbabayad ka naman e" sabi niya
"Sige po, gisingin ko lang po si Liam, para sabay-sabay na po tayo kumain" sabi ko
"Ahh sige sige anak" sabi niya
Umakyat ako at kinatok ko ang pinto ni Liam.
"Liam, gising naaaa. Nakahanda na ang pagkain" sabi ko, hindi siya sumagot
Kinatok ko ulit siya, at ngayon may narinig na akong sagot sa kanya
"Sige, sige, susunod na ako." Sabi niya, kaya naman bumaba na ako at naghain na.
Bumaba na rin si Liam
"Oh kain na Isko, pinagluto tayo ng girlfriend mo hahahah" sabi ni Tatay Ernie at tumawa pa siya
"Tatay Ernie!"sabi niya
"Inaasar lang kita Isko hahaha eh kailan ka ba kasi magkakasyota anak?" pang-aasar ni Tatay, natawa na lang ako sa kanila ang cute kasi nila mag-asaran
"Hindi ko po alam Tatay Ernie! Mabuti pa kumain na lang po tayo." Sabi ni Liam, ang cute niya namumula na kasi siya, siguro nahihiya na,
"Aba ang sarap hahaha" sabi ni Tatay Ernie,
"Ayy salamat po! May pagmamahal po kasi yan na kasama"sagot ko aba kailan pa ako naging corny? Hahaha
"Kanino? Kay Isko?" pang-aasar ulit ni Tatay Ernie
"Sa inyo pong dalawa" sagot ko,
"Nakoo kunwari pa kayo, eh late na nga kayo umuwi kagabi haha, kayo ah ano ginawa niyo? Nagdate ba kayo hahaha"tanong ni Tatay
"Hindi po Tatay Ernie, nagusap usap lang po kami"paliwanag ni Liam
"Nakoo Isko, ikaw talaga, katulad na katulad ka ng tatay mo pag inlove hahaha"saad ni Tatay, napangiti lang ako, natutuwa lang ako sa closeness na meron silang dalawa, hindi kasi kami nagkaroon ng matinong pag-uusap ng parents ko lately. Palagi ko sila sinsigawan at hindi pinapansin ang mga sinasabi nila. Simula nung nalaman kong maghihiwalay sila hindi ko matanggap iyon kaya naman nagbago ako.
YOU ARE READING
Saved.
Teen FictionA story about a girl on her journey and challenges in life until something unusual happened to her that changed her life forever.