DARE 9

125 17 6
                                    

Zea's Point Of View

NAPALINGON ako sa pintuan nang may bumukas nito at malakas na sumigaw. "Guys ready na ang hapunan!" Tumango lang ako sa sinabi ni Timothy at inaya na rin si Lucy.

Nang makalabas nakita ko rin sila Troy at Ricky na binubuksan rin ang mga pintuan nang kwarto ng mga kaklase namin dito sa third floor. Dumirets'yo na lang kami ni Lucy pa ibaba patungo sa cabin 2 para sa gaganaping salo-salo ngayong hapon.

Nang makalabas na kami sa hotel sumalubong sa aking mga mata ang nagkikislapang puting mga ilaw mula sa bawat sulok nitong resort at ang samot saring ilaw mula sa ilalim ng swimming pool.

"Wow! I didn't expect na ganito kaganda itong resort kapag gabi na!" Manghang-mangha na sigaw ni Lucy at umikot-ikot pa na animoy isang prinsesa na hinahanap ang kaniyang prinsepe sa mga kwentong pangbata. "Zea picturan mo nga ako dito!"

Kahit na labag sa aking kalooban wala rin akong nagawa dahil nakapost na siya sa gitna ng puno na napupuno ng maliliit na puting bumbilya. Kinuha ko na lang sa aking bulsa ang aking cellphone at sunod-sunod na pinindot ang button. "One, two, three, four, five, six, seven," walang buhay kong bilang habang nakabaling sa ibang bagay ang aking mga mata.

"Twenty nine, thirty. Okay na Lucy." Dali-dali namang lumapit sa akin si Lucy at inagaw sa aking kamay ang hawak-hawak kong cellphone.

"Ano 'to? Bakit ang pangit ng pagkakuha mo?" Nakasimangot nitong maktol sa akin.

"Sinisi mo pa ang pagkapicture ko sa'yo. Sadyang pangit ka lang talaga." At inagaw ko sa kanya ang cellphone ko. "Ang papangit naman Lucy, mas mabuti pa siguro kung i-delete ko na lang yung mga pictures mo."

"Don't you dare do that Zea. Swear I will punch your face!" Nanggigigil nitong sabi at pilit na iniaagaw sa aking kamay ang cellphone ko. Dahil hamak na mas matangkad ako kay Lucy, itinaas ko ang kanang kamay ko kung saan hawak-hawak ko ang aking cellphone.

"And why not? This thing is mine, and besides you can't punch me," nakangisi kong sabi.

"Why?" Galit ngunit kunot noong tanong niya sa akin.

"Lucas is watching over there." Nguso ko sa bukana ng hotel. Napalingon naman doon si Lucy at aligagang hinanap si Lucas pero sa kalagitnaan nang palihim kong pagtawa isang babae ang namataan kong nakatayo sa madilim na parte nitong resort... isang misteryosong babae.

"Where? I can't see him! Your just playing with me." Kaysa pansinin ang galit na ekspresyon ni Lucy mas tinitigan ko pa ang pigura ng babae. Sa tindig pa lamang nito kusang nagtataasan ang mga balahibo ko sa katawan. I have this feelings na nakita ko na siya sa kung saan, but I can't remembered where and when.
"Anong tinitingi-"

"Nakikita mo ba 'yung babaeng nasa gilid ng main door?" Pagputol ko sa sasabihin ni Lucy at mas tinitigan pa nang mabuti ang mesteryosong babae.

"Huh? Wala naman ahh." Takang sabi nito habang tinititigan rin nito ang main door ng hotel pero humarap rin siya kaagad at nanlilisik ang mga mata sa akin. "Pinagti-trip-an mo na naman ako Zea!"

"No Lucy. I'm dead serious. I saw her, the killer!" Hysterical kong sabi at hinawakan ko ang magkabilang balikat ni Lucy. "I will prove it to you." Iniharap ko siya sa main door at itinuro ang baba- nasaan na siya?

Nakapamewang na humarap muli siya sa akin at tinaasan ako nang kilay. "You know what Zea gutom lang 'yan, kaya pumunta na tayo sa cabin at kumain na." At kinaladkad na niya ako papunta sa cabin. Sa huling pagkakataon sinilip kong muli ang kaninang pinuwestuhan ng babae at laking gulat ko nang makita siyang muli roon. Sasabihin ko sana kay Lucy ang nakita ko ng biglang huminto siya sa paglalakad.

Truth or DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon