PART 22

42 5 2
                                    

A/N: Dahil merong nag request na mag-ud na daw ako kaya pinublish ko na itong part 22. I'm happy dahil meron parin palang nagbabasa nito! Enjoy reading and don't forget to vote and comment, love lots!

PART 22- CONSEQUENCES

ZEA'S P.O.V

Ang perpektong kurba nang pangangatawan nito, ang mahaba nitong buhok na umaabot hanggang sa kaniyang likod at ang mukha nito na nakatago sa likod nang misteryosong maskara nito. Sino ka ba talaga?

"I want to play now!" Parang bata nitong sabi at isa-isa kaming tinignan. Nanindig ang aking mga balahibo nang huminto sa akin ang mga mata nitong walang bahid na kahit na anong emosyon.

"Dare and dare and dare. The three of you came here!" Ang tanging boses lamang nito ang umaalingawngaw sa buong pasilyo at ang boses lamang nito ang nagbibigay sa amin nang takot.

Napalingon ako kila Jackson, May at Mariel na ngayon ay nanginginig na dahil sa takot.

"W-what t-the---" Napahinto sa pagsasalita si Johnson nang biglang lumingon sa kaniya ang killer at sinenyasan na tumahimik.

"And you, truth or dare?"

"At sino ka naman para sundin ko? Your not my master nor my God!" Galit nitong sigaw at susugod na sana nang biglang nabingi kami sa lakas nang ingay mula rito.

"HOW DARE YOU TO SHOUT AT ME LIKE THAT!" Biglang nanlaki ang aming mga mata ng ilabas nito ang kaniyang baril at walang alinlangang binaril si Johnson.

"Oh my!"

"Johnson!"

"I wanna go home na!"

Tinamaan sa kanang dibdib si Johnson at biglaang bumagsak sa malamig na semento.

"Bu-buns-so." Dali-daling tumakbo si Jackson kay Johnson at ipinatong ito sa kaniyang hita.

"John. Ilalabas ka dito ni kuya maghintay ka lang meron lang akong tatapusin." Tatayo na sana ito ngunit hinawakan ni Johnson ang braso nito na nagpatigil kay Jackson.

"T-truth." Mahina nitong bulong. Kumunot ang noo ni Jackson at biglang may pumatak na luha sa mata nito.

"A-ano b-ba ang---"

"K-katotohanan. Gusto kong malaman ang k-katotohanan." Gusto kong mabulag, gusto kong mabingi, gusto kong maging manhid para hindi ko na makita, marinig at maramdaman ang lahat nang ito. Gusto ko na lang na tumakas at magpakalayo-layo sa lahat nang problema namin.

"Okay so I will give you a clue about me, about my identity." At pinaglaruan nito ang kaniyang baril.

"I am your past and I will be your future." Hhu? Nagpapatawa ba siya? Kahit na sino sa amin na nandito hindi mahuhulaan ang clue na binigay niya.

"Isang clue kapalit nang isang buhay." At sa isang iglap itinutok nito kay Johnson ang baril at walang alintanang kinalabit ang gatilyo nang baril na direts'yong tumama sa noo ni Johnson.

"Well done. Susunod naman kayong tatlo." Umakto ito na parang nagiisip. Napalingon ako kay Johnson na binalot na ng dugo ang buo nitong mukha.

"Johnson. Gising." Mahinang sabi ni Jackson at mahinang tinatapik ang pisngi nang kapatid niyang binawian na nang buhay. Napalingon ako bigla sa aming harapan nang biglang sumigaw ang killer at nagpaputok na nagpasigaw at nagpataranta sa amin.

Truth or DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon