DARE 11

78 14 10
                                    

Zea's Point Of View

GABI na pero nandito pa rin kami sa bus naghihintay na makarating ng payapa sa University. Ang ilan sa amin mahimbing nang natutulog habang ang natitira ay tahimik na pinagmamasdan ang dinadaanan namin o hindi kaya ay hawak ang kanilang mga cellphone.

Mag-aalas dose na pero gising na gising pa rin ang diwa ko, marahil siguro sa nangyari noong nakaraang araw. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung na saan na ba si Celine, kung babalikan ba niya ako? Siguro gising pa ako ngayon dahil sa takot na baka sa paggising ko katabi ko na siya.

"Still awake?" Napalingon ako sa katabi ko na si Zero na nakapikit na animoy natutulog.

"No." Pabalang kong sabi rito at napairap na lang sa walang kwenta niyang tanong.

"May dalaw?" Kunot noong lumingon ako sa kanya.

"The fudge," Iritadong pahayag ko "Seriously, Zero?"

"What?" Binuksan na rin niya sa wakas ang nakapikit niyang mga mata at tinitigan ako. "Im just asking."

Napailing na lang ako at padabog na isinandal ang aking likuran kasabay ng pagpikit ng aking mga mata, hinihintay na dapuan ako ng antok ngunit kahit anong gawin kong pwesto hindi pa rin ako makatulog kaya napabuntong hininga na lamang ako at bumalik sa pagkakaupo ng tuwid.

"Can't sleep?" Hindi ko na lang pinansin ang katabi ko at umaktong natutulog. "Sleep well, good night!"

Sa simpleng kataga na sinabi nito halos lumundag na palabas ang puso ko sa hindi malamang kadahilanan. Napahawak na lamang ako rito at inisip na baka sa pagod lamang ito.

Napahinto ako sa pag-iisip nang makita kong tumayo sa pagkakaupo si Karl at lumapit sa driver may binulong ito sanhi ng paghinto ng bus. Humarap sa amin ang driver at malakas na sumigaw. "Yung mga naiihi lumabas na!" Nagising ang mga kaklase kong natutulog hanang ang iba ay tulog mantika pa rin.

"May cr ba dito? Halos puno lang nga ang nadaraanan natin!" Iritadong sabi ni Stacey at bumalik sa pagkakatulog.

"Arte mo Stacey babe, umihi ka na at baka d'yan ka pa abutan sa kinauupuan mo." Nang-aasar na pahayag ni Timothy at lumabas na rin sa bus upang umihi.

"Eww, I will never do that!" Diring-diri na sagot nito.

Bumalik na lang ako sa pagtitig sa labas ng bus dahil sa wala naman akong magagawa. Pagkalipas ng ilang minuto nagsipagbalikan na rin sila Timothy kasabay ang iba naming mga kaklase na lalaki.

"May naiwan pa ba?" Tanong ng driver sa amin kaya sinuri ng mga kaklase namin ang bawat isa kung may naiwan pa ba.

"Mayroon," Kahit hindi ako nakatingin sa kanila alam kong si Timothy ang nagsalita. "Ang puso ko!"

"Hindi nakakatawa Timothy."

"Talaga ba?"

"Ayon ohh!"

"Si Karl wala dito." Napalingon na ako sa harapan ng marinig ang sinabi ni Daisy.

"Baka sinusulit pa pag-ihi niya?" Natatawang sabi ni Timothy pero walang nagtangka na tumawa sa walang kwenta niyang biro.

"Hanapin niyo na!" Pagsingit ni ma'am Joy na nasa unahan ng bus katabi si ma'am Lesman.

"Yes, ma'am." Lalabas na sana sila Ivan ng may biglang nahulog na bagay sa taas ng bus dahilan upang mapaigtad kami sa pagkakaupo.

"Ano 'yun?" Takot na sigaw ni Kim at napahawak sa braso ng kuya niya na si Troy.

Napasinghap ako sa aking nakita. Totoo ba 'to?

Truth or DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon