DARE 13

76 11 0
                                    

Zea's Point Of View

ILANG BUWAN na ba simula ng isa-isahin kaming patayin ng killer? Isa? Dalawa? Tatlo o magtataon na?

Ang dating mga silya na ikinukupahan ng mga kaklase ko ngayon ay bakante na at ang dating umaalingawngaw na kaingayan napalitan ng katahimikan.

Pasimple kong inililibot ang aking mga mata upang pagmasdan ang mga kaklase kong may iba't ibang ginagawa. Napabuntong hininga na lamang ako at tumunganga sa kawalan. Masyado ko bang dinaramdam ang pagkawala nila?

"Zea," Napahinto lang ako sa pagiisip ng biglang sumulpot sa aking likuran si Lucas.

Tinitigan ko siya na ngayon ay naglalakad na patungo sa aking harapan. Umupo siya sa bakanteng upuan sa aking harapan at nginitian ako ng marahan. "May itatanong sana kasi ako sa'yo. Pwede mo ba ako tulungan?"

Napairap ako sa kawalan dahil sa narinig sa kaniya. "So, lumapit ka lang sa akin dahil may kailangan ka, ganoon ba?"

Mabilis naman siyang umiling-iling at ikinaway pa ang kaniyang dalawang palad sa aking harapan. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Zea." Napatikhim siya at sabay kamot sa kaniyang batok. Nahagip ng aking mga mata ang pagpula ng kaniyang mukha. Cute.

"Bakit ano ba ang kailangan ng isang Lucas GGGG sa akin?" Sarkastiko kong tanong rito.

"Uhm, naaalala mo ba ang project natin sa Filipino?" Balik tanong nito sa akin.

Napangalumbaba naman ako upang alalahanin ang proyektong ibinigay sa amin ni Sir Filipino.

"Iyong video film ba ang tinutukoy mo?" Paglilinaw ko.

Sunod-sunod naman siyang tumango habang malawak ang ngiti sa kaniyang labi. "Oo, tama ka nga." Napahinto siya sandali. "Kailangan ko kasi ng tulong mo--- I mean suggestion mo bilang isang babae. Binabalak ko kasing gawing teen fiction yung genre ng story."

Tumaas ang isang kilay ko dahil sa sinabi niya. "So what? Hindi naman kita kagrupo kaya bakit kita tutulungan?" Mataray kong tanong.

"Kanino ako tatanong, kay Dianne?" Sarkastiko nitong tanong sa akin dahilan upang masamid ako ng sarili kong laway.

"What the f!" Galit ko siyang binalingan nang tingin. Hindi ba siya marunong pumili ng salitang sasabihin niya?

"You know Lucas, why don't you use filter into your mouth?" Sarkastiko kong sabi rito. "Try mo ring pakiramdaman ang paligid mo; wala namang mawawala sa'yo, I promise."

"By the way isa 'yan sa ayaw naming mga babae 'yung hindi marunong pumili ng salitang sasabihin dahil karamihan sa aming mga babae ay madaling maoffend sa mga simpleng salita. You know too emotional." Sabay irap ko sa kaniya. "At para naman sa panliligaw ang gusto naming mga babae yung parati kayong nasa tabi namin ipinapakita at ipinaparamdam kung gaano niyo kami kamahal na kami lang at wala ng iba kumbaga special. Take note make sure na siya lang ang binibigyan mo ng special treatment or else..."

Napaismid si Lucas dahil sa narinig. "Zea, hindi na namin maiiwasan ang paglapit sa amin ng mga babae, kasalanan ba namin na ipinanganak kami ng ganito kagwapo?" Confident nitong pahayag dahilan upang mapairap muli ako sa ikalawang beses.

"'Yan ang isa sa ayaw naming mga babae sa inyo masyado kayong mataas tumingin sa sarili niyo. Famous lang akala mo sobrang gwapo na." Mataray kong sabi sa kaniya.

"Well kayong mga girls na rin kasi ang nagpapakita ng affection niyo sa aming mga boys." Mayabang nitong sinabi at napangisi na lang.

"Exactly boys," pagdidiin ko sa salitang boys kasabay ng pagmuwestra sa aking kamay ng symbol na qoutation mark. "You we're just a boy and not a man. There's a big difference about it. I think you need to know about it."

Truth or DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon