DARE 26

41 7 3
                                    

Zea's Point Of View

SINO ang gumawa nito? Shit kinikilabutan na ako, gusto kong tumakbo at lisanin ang lugar na 'to pero parang may sariling pagiisip ang mga paa ko't nilapitan ang isang board na puno ng mga litrato, litrato na may marka ng ekis gamit ang d-dugo!

Kinakabahan man nilakasan ko na ang loob ko at mas lumapit pa upang makita nang malinaw ang picture sa board pero laking gulat ko nang makita ang mukha nila Krystle, Ashley, Kim at Troy na may ekis, habang kaming mga natitira sa star section ay nakadikit lamang. This is not funny kung prank lang ito at kung ang killer man ang may pakanan nito paano siya nakalusot at gano'n na lang kadali para sakanya? What if isa siya sa mga estudyante dito sa BU? What if kaklase ko siya? What if kaibigan ko siya?

Nang pumasok na sa aking isipan ang mga nangyayari ngayon dahan-dahan akong napaatras kasabay ng malakas na pagtibok nang aking puso. Fuck pinasok ko ang lungga ng demonyo! Tanging malakas na tibok lamang ng aking puso ang naririnig ko at ang nakakapangilabot na katahimikan. Dahil sa takot mabilis akong tumalikod at tumakbo pero dahil sa halo-halong emosyon ko hindi ko napansin na meron palang tao sa aking harapan kaya nabangga ko ito sanhi ng pagbagsak ko sa simento. Napangiwi ako at napahawak sa aking balakang. Ang sakit!

Napalingon ako sa direksyon ng babae na kakatayo lamang sa pagkakaupo. Laking tuwa ko sa aking nakita at dali-daling tumayo. "Lucy!" Napayakap na lang ako sa kanya at parang ulan na bumagsak ang aking mga luha. "A-akala ko k-kung ano na ang n-nangyari sa'yo." Sabi ko sa pagitan ng aking pagiyak. Alalang-alala ako kung ano na ang nangyari sa kanya pero ngayon nandito na siya sa harapan ko't buong-buo.

"Nandito ka lang pala, kanina pa ako naghihintay sa'yo sa Japanese resto booth." Kumunot ang noo ko't humiwalay sa aming pagyayakapan.

"Ano?"

"Anong ano? Duh pinapapunta mo kaya ako doon tapos ngayon makikita kitang umiiyak. Si Zero ba ang dahilan niyan? Uupakan ko na talaga ang gago na 'yun!" Napahawak ako sa kamay ni Lucy. Paanong nangyari na pinapapapunta ko siya sa Japanese resto booth kung sa mga oras na 'yon ay hinahanap ko na siya?

"Lucy hindi kita kinausap ng mga oras na 'yon dahil abala ako sa paghahanap sa'yo." Kumunot ang noo niya at bigla na lamang tumawa. Anong sa tingin niya ang nakakatawa sa seryosong sitwasyon namin ngayon?

"Hindi ako na-inform na joker ka pala bes!" At hinampas pa nito ang kanang braso ko pero natigilan siya nang makita niyang seryoso ko siyang tinititigan.

"Sa tingin mo ba nagbibiro ako?" Walang emosyon kong tanong.

"Paanong---"

"Hindi dito ang tamang lugar para sa paguusapan natin." At hinila ko na siya patungo sa third gate ng paaralan. Huminto lamang kami ng makarating na kami sa park mabuti na lamang at kaunti pa lamang ang mga tao.

Humarap ako kay Lucy ng makaupo na kaming dalawa dito sa bench. "Lucy sabihin mo nga sa akin ang buong nangyari." Napagkawala na lang nang hininga si Lucy at tumingin sa akin.

Habang nasa comfort room ako may bigla na lang pumasok at dumiretsyo sa sink. "Ohh Zea bakit ikaw lang ang nandito, nasaan si Daisy?" Tumingin naman sa repleksyon ko sa salamin si bes Zea pero nakakapagtaka dahil nakangisi lang ito sa 'kin habang nagaayos ng buhok.

"Wait me at the Japanese resto booth Lucy Alcantara." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Sinasabi lang niya ang buo kong pangalan kapag hindi na siya nagbibiro.

"Ayaw mo sa Korean resto booth?" Paninigurado ko ngunit nakatanggap lamang ako ng matalim na tingin kaya napaatras ako patalikod.

"Can't you hear? I said at the Japanese resto booth." At padabog nitong isinara ang pintuan pagkalabas ng comfort room. Napapikit na lang ako sa gulat at napatitig sa pintuang kaniyang nilabasan. Ano na naman ang nangyayari kay bes Zea?

"Sure ka ba Lucy na ako ang nakita mo sa c.r?" Napatango naman si Lucy sa tanong ko. Paano nangyari ang bagay na 'yon kung nasa dark room ako ng mga oras na 'yon?

"Nakakatakot ka nga kanina bes mukha kang kakain nang tao!" Hindi kaya may taong gumagaya sa akin? Pero para saan? H-hindi kaya parte ito ng laro? Mayroon na naman bang plano ang shadow na 'yon?

"Bes matutuloy ka parin ba sa pagmigrate niyo no'ng childhood best friend mo?" Napahinto ako sa pagiisip at napalingon kay Lucy. Matagal ko ng gustong makaalis sa paaralang ito at mamuhay sa ibang bansa simula ng mangyari ang bagay na 'yon at sa oras na makaalis na kami rito malaki ang pusibilidad na maging payapa muli ang aking buhay. Duwag man kung titignan pero ito na lang ang disisyon na naiisip ko, ang tumakas.

"Yes."

"Sa tingin ko wala na akong magagawa sa disisyon mo susuportahan na lang kita." Napangiti na lang ako ng pagak sa aking narinig.

"Pero tungkol sa nangyari kanina naguguluhan pa rin ako." Frustrated na pahayag nito at lumingon sa 'kin. "Ano ba ang nangyayari?"

"Forget it Lucy." At tumayo na ako. Nakita ko namang napasimangot siya at tumayo na rin. Isip bata.

Habang naglalakad iniisip ko parin kung paano nangyari ang bagay na'yon? How could it be na kinausap ko siya sa mga oras na'yon? Uuwi na sana ako ng mahagip ng aking mga mata ang pigura ni Stella'di kalayuan sa aking kinatatayuan. Dali-dali akong naglakad at hinarap siya.

"You informed me na nasa dark room si Lucy pero..." Napahinto ako at tinitigan siya sa mga mata. "I-iba ang na-nadatnan ko."

Napangisi na lang si Stella, bago tumalikod may salita itong nagpatigil sa aking paghinga.

"It's you to find out."

--*--

"Hoy baby Zea ang lalim naman masyado n'yang iniisip mo!" Napaupo ako sa pagkakahiga sa sofa at tinignan si Xyro na prenteng nakaupo sa single sofa habang nagkakapi. "Pack your things baby Zea, after tommorow are our flight."

Napabuntong hininga na lang ako at inagaw sa kanya ang kapeng iniinom nito. "Did you hear me?" Napatango na lang ako at tumayo na. "Where are you going?" Tanong nito habang sinusundan ako nang tingin.

"At my room." At umakyat na ako.

Pagkapasok ko sa kwarto inilapag ko sa aking study table ang bitbit kong tasa at pasalampak na nahiga sa kama. I think tulog lang ang kailangan sa mga problema ko ngayon and besides dalawang araw na lang ang natitira para sa pagalis namin ni Xyro. Just two days and I will be free.

Truth or DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon