DARE 12

80 11 2
                                    

Zea's Point Of View

PAGKALIPAS ng nangyari sa amin noon sa outing tumahimik muli ang Paaralan na animo'y takot na takot sa bawat salita na kanilang bibitawan. Ilang linggo na rin ang nakakalipas ng huli kaming nag-usap ni Zero. Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin. Sa tuwing nakikita ko siya parang may kakaiba akong nararamdaman. Bigla na lang bumibilis ang tibok ng aking puso at parang kinakapos ako sa paghinga.

Hinihintay ko lang na siya ang lumapit sa akin at kausapin ako pero sa paghihintay ko parang mas lumayo pa kami sa isa't isa. Kapag may activities na ipinapagawa sa amin at kagrupo ko siya na iilang akong titigan siya at kausapin. Iniisip ko nga kung dahil ba ito sa pride naming dalawa o talagang pabebe lang ako, hinihintay na kausapin ng binata.

Pero nagpapasalamat din ako dahil sa mga araw at gabi na dumadaan tahimik at payapa, walang patayan na nangyayari sa aming klase pero kahakibat din nito ang takot at pangangamba ko dahil sa pananahimik ng killer. Maaring may mas malala pa itong plano sa amin o hindi kaya ay tumigil na ito.

Marami na siyang napatay sa amin pero ano naman ang makukuha niya sa ginagawa niya? Kayamanan? Posisyon? Karangyaan?

Halos walang makuhang motibo ang mga awtoridad sa posibleng dahilan ng pagpatay sa mga kasamahan namin ng hindi pa nakikilanlan na tao.

Naaalala ko pa noong sa pag-uwi namin galing sa outing sumalubong agad ang mga magulang namin. Ngunit sa halip na galak ang aking maramdaman lungkot at galit ang pumaibabaw. Ang akala ko maiinit na yakap ang aking makukuha sa pagbalik namin ngunit kahiya-hiyang sermon ang ibinigay sa akin ng dalawang tao na nagbigay sa akin ng buhay.

Sila Mr. and Mrs. Gonzales ang aking papa at mama. Hindi ko nga mabigkas-bigkas ang mga katagang iyan sa harap nilang dalawa dahil wala naman silang karapatan na tawagin ko silang papa at mama dahip hindi naman nila nagampanan ang bagay na iyon sa akin.

"Mom, where are you going?" Hihikab-hikab na tanong ko sa aking mama na ngayon ay papalabas na ng aming tahanan.

Humarap ito sa akin at lumapit. "Mommy will go for business so be a good girl, okay?" At dinampi nito sa aking noo ang malalambot niyang labi ngunit sa halip na kiligin lungkot ang sumilay sa aking mga mata.

"But you promised we're going to a date." Malungkot kong sabi.

"Sorry Zea, maybe next week?" At ngumiti na lamang ito sa akin. "Yaya alagaan mo na lang muna si Zea, I need to go now."

"But mom..."

"No buts Zea Mae Gonzales. I'm too busy can't you see it?" Galit na sigaw sa akin ni mama.

Napaatras na lang ako dahil sa takot at tumakbo patungo sa aking kwarto. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa mga magulang ko na puro trabaho na lang ang inaasikaso?

Truth or DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon