Chapter 1

42.1K 886 67
                                    


"Fuck you!" Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ng babaeng hindi ko sinasadyang mabangga ng papasok na ako dito sa pinakamalapit na fast food sa main building ng CBE building.

Alam kong kasalanan ko dahil sa pagmamadali ko ay hindi ako naging maingat pero hindi tama ang mga salitang narinig kong sinabi niya.

"What did you say Miss?" Kalmado kong tanong ng malingunan ko ang babae.

Nakatulala lamang ito at hindi nagawang sagutin ang tanong ko. Nagkaroon ako ng pagkakataon na pasadahan ng tingin ang kabuohan niya dahil sa pagkatulala nito sa kinatatayuan.

Nakasuot ito ng isang black silky fitted jeans na hapit na hapit sa slinder na hita, sandong puti na hapit din sa perpektong hubog ng katawan. May itim na glove itong suot na halatang gumagamit ng motor at isang killer high heeled leather boots.

She's fucking hot with her innocent yet fierce get up.

Maamo rin ang mukha pero ang mga mata ay matapang kung tumitig. May kaliitan ang hugis ng napakaganda nitong mukha. Sa isang tingin ay mapapasabi kang napakainosente nito.

Black round eyes, cute pointed nose, long and seductive eyelashes. Bahagya ring nakataas ang kanyang kilay kaya nagmukha siyang mataray sa likod ng inosenteng mukha.

And her pouty lips na pulang pula na ngayon ay bahagyang napaawang. Napalunok ako dahil sa sandaling pagtitig sa kanyang tila nang-iimbetang mga labi.

Yeah, fuck you Third!

Tumikhim ako dahil ang balak kong pagsungitan siya ay biglang naglaho ng makita na parang anghel ang nakabangga ko.

Shit! Kailan pa ako bumase sa hitsura ng isang babae kung paano ako makikitungo? Asik ko sa sarili.

Imbes na magsayang ng oras ay muli na akong tumalikod. Naalala kong kailangan kong bumili ng makakain dahil kanina pa ako nagugutom.

Natigilan ako mula sa tatlong hakbang na nagawa ko dahil sa kamay na pumigil sa braso ko. Nilingon ko ang may-ari n'on at hindi ako nagkamali ng makita ko ang itim na glove sa kamay nito. Ang babaeng nakabangga ko, para siyang nahimasmasan mula sa napakalalim na pag-iisip.

"Hubby!" Sabi niya na parang bulong lamang sa sarili ko nabasa ko sa konting awang ng kanyang labi.

"Are you okay Miss?"

Napakurap kurap ito at nanlaki ang mga mata. "Putangina! Ikaw nga asawa ko."

Napaatras ako dahil sa biglaang pagdamba niya sa'kin ng yakap. Kinilabutan ang buong katawan ko dahil ramdam na ramdam ko ang malulusog niyang mga dibdib na dumidiin at sumasayad sa dibdib ko.

Sa pagkataranta ay mabilis ko siyang naitulak dahilan para mawalan ito ng balanse at matumba sa sahig.

"My ass." Sigaw nito. "Ouch."

Doon lamang ako natauhan sa ginawa kong pagtulak sa kanya. Mabilis akong lumapit lalo ng mapangiwi ito ng akmang susubukang tumayo.

"Hey, are you okay?"

"Buhatin mo ako." Utos niya.

Binuhat ko siya tulad ng gusto niya dahil alam kong mali ang ginawa kong pagtulak sa kanya. Nagulat ako pero dahil babae siya dapat hindi gan'on ang naging reaction ko.

Ibinaba ko siya sa isang bakanteng umupaan na pinakamalapit sa kinaroroonan namin.

"Saan ang masakit?"

Castillion Brothers Series 3: Third CastillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon