Chapter 5

31.7K 814 36
                                    

Sa pag-ibig hindi basihan kung sino ang babae o lalaki. Kung sino ang dapat na manligaw o dapat ligawam dahil ang mahalaga ay kung gaano katatag ang pagmamahal mo para ipaglaban ang isang bagay kahit hindi sa'yo.

My dear listeners, hindi porke't babae ka ay hindi ka na pwedeng magpahayag ng damdamin mo para sa isang lalaki. Pwedeng pwede ngunit kailangan may lakas ka ng loob at tatag ng damdamin dahil hindi biro ang maghabol sa taong hindi ikaw ang gusto. Masakit na nga sa puso masakit pa sa bulsa.

Nakangiti ako habang panay ang salita ko sa harap ng microphone, nakahawak ako sa heat seat na suot ko. Feel na feel ko ang pagbibigay ng advice dahil damang dama ko pa rin hanggang ngayon 'yong kirot sa nangyari kanina. Hindi man niya lantarang sinabi na ayaw niya sa'kin ay basang basa naman 'yon sa kilos niya.

Ang sakit mareject.

"Thank you for listening, I am DJ Inday ang pinakamagandang inday sa balat ng lupa. The next song requested by one of our listeners, titled Malaya by Moira Dela Torre."

Iplinay ko ang kantang 'yon bago ako tumayo sa kinauupuan ko at lumabas ng station. Tapos na ang ere ko kaya pwede na akong umalis total maghahapon na rin naman.

Pasensya na, kung papatulugin na muna

Ang pusong napagod kakahintay

Kaya sa natitirang segundong kayakap ka

Maaari bang magkunwaring akin ka pa

Sana gan'on kadaling gawin tulad ng kung gaano kadaling kantahin.
Napapabuntong hininga ako habang papalabas ng building.

Mangangarap hanggang sa pagbalik

Mangangarap pa rin kahit masakit

Baka sakaling makita kitang muli

Pagsikat ng araw, paglipas ng gabi

Kung di pipilitin ang di pa para sa'kin

Baka sakaling maibalik

Malaya ka na, Malaya

Natigilan ako sa pagsampa sa motor ko ng makita ko si Rico na pumapara ng taxi. Nagtaka ako kung bakit may dala siyang kahon.
Naglakad ako papalapit sa kanya bago pa man siya makaalis.

"Rico." Tawag ko. Lumingon siya at doon ko nakitang namumula ang mga mata niya. "Anong nangyari sa'yo? Umiyak ka ba?"

Nag-iwas siya ng tingin. "Wala po ma'am."

Hindi ako kumbinsido sa sagot niya kaya pinaharap ko siya sa'kin. "Bakit may dala kang gamit?"

Yumuko siya at pilit pa ring umiiwas. Parang alam ko na kung bakit may dala siyang gamit pero gusto ko pa ring kompirmahin kung tama ang hinala ko.

"Rico!" Inis na tawag ko sa pangalan niya.

"F-Fired na po ako, nagalit po sa'kin si Sir kaya tinanggal niya ako." Napipilitan niyang sagot.

"Tinanggal ka? Dahil ba 'yon sa nangyari kanina?" Hindi ko na itinago ang galit ko.

"Nalate po ng ilang minuto ang papeles na hinihingi niya kaya po nagalit." Sabi niya pa.

Hinila ko ang kamay niya at naglakad ako pabalik sa loob ng building. Hindi na kami tinanong ng guard dahil alam niyang dito kami nagtatrabaho.

"M-Ma'am saan niyo po ako dadalhin?" Nagpumiglas siya pero hindi ako nagpatinag.

"Basta sumama ka sa'kin hindi tama ang ginawa niya."

Hanggang sa makasakay kami sa elevator ay hindi siya nagsasalita at ramdam na ramdam kong tensyonado siya.

Castillion Brothers Series 3: Third CastillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon