Chapter 4

31.4K 767 20
                                    

"I just want to die. Gusto ko ng mamatay." Sigaw ko habang nasa harap ng glass wall sa loob ng condo unit ko. Nakadipa ako habang nakatanaw sa buong syudad.

"Gusto mo ng mamatay? Sige, itutulak kita." Natatawang sagot ni Uncle.

"Isang linggo na akong tigang dahil kahit ayoko tinutupad ko ang gusto niya kasi naisip ko baka namiss niya ako pero wala... wala akong kwenta sa kanya! Masaya siya habang ako nahihirapan dito." Litanya ko.

Isang linggo ko ng hindi nakikita si Intoy ko at para akong nauupos na kandila dahil sa pagkamiss sa kanya. Palagi ko siyang pinapadalhan ng bulaklak araw araw at bago ko nagawa 'yon kinailangan ko munang takutin ang secretary niya na papasabugin ko ang buong building nila kapag hindi niya ibinigay kay Intoy ko ang mga bulaklak.

Ang usapan lang naman ay hindi ako magpapakita sa kanya pero pwede ko naman siyang ligawan ng palihim.

"Kung hindi sana ako naglasing hindi ako basta papayag sa gusto niya." Panay lang ang salita ko habang ang supportive kong Uncle ay tawa lang ng tawa sa pagiging miserable ko.

Pinunasan ko ang mga imaginary tears ko bago nakapamewang na humarap sa kanya. Nakadekwatro sya sa couch na nasa loob ng kwarto ko.

"Ano nga pa lang ginagawa mo dito?"

Oh diba ang galang ko lang.

May inilapag siyang folder sa center table habang ngingisi ngisi. "Alam mo namang mahal kita pamangkin kahit na baliw ka kaya tumutulong ako."

"Ano namang klaseng tulong?" Pinulot ko ang folder at pinuklat kung ano ang laman niyon.

Umusok ang tumbong ko ng makita ang mga litrato na nasa loob. Si Intoy ko may kasamang babae habang kumakain sa isang fine dinning restaurant, sa isang sikat na cafe at sa office niya. Marami pang mga pictures na hindi ko na tiningnan dahil umuusok na ang dapat umusok sa'kin.

"Walang hiya siya isang linggo lang akong hindi nagparamdam nagawa na niyang mangabit, kumalantari pa ng iba." Asik ko at pumasok sa walk in closet ko para magbihis.

Hindi ako papayag na basta nalang siya maagaw ng kung sino mang babaeng 'yon. Ilalaban ko ang akin, well hindi pa pala siya akin pero kahit na ako ang nauna kaya dapat ako hanggang huli.

Nagsuot ako ng sexy dress na mga pribadong bahagi lang ng katawan ang matatakpan. Iyong nakakapaglaway. Sexy ako at maganda kaya kahit sino makukuha ko ewan ko lang kay Intoy ko dahil mukhang baliwala sa kanya ang alindog ko.

Naglagay ako ng konting make up bago ko isinuot ang six inches killer heels ko. Ang for the final touch, naglagay ako ng pabango kong lavander ang amoy.

Itinali ko ang buhok kaya expose na expose ang dapat na maexpose. Sasabak ako sa gera kaya kailangan handa ako dapat walang makikitang panlalait sa'kin ang kalaban. Napangisi ako.

Kung hindi ka madadala sa santong dasalan pwes kukunin kita sa santong paspasan.

"Her name is Nathalie Scovar a famous and in demand tv host and reporter mula sa mayamang angkan, half pinay and half american." Bungad ni Uncle ng lumabas ako na nakabihis na. "Isa siya sa asset ng CBE network dahil sa galing niya."

Kumuha ako ng baril at inilagay iyon sa holster na nasa hita ko. Siguradong magagamit ko 'to.

May inabot siya sa'king isa pang folder na mabilis ko ring binuksan naglalaman iyon ng kontrata bilang isang radio DJ sa CBE network at may pirma na ni Intoy ko as president.

Nagtatatalon ako sa tuwa na yumakap kay Uncle dahil sa wakas makakapasok na ako sa building ni Intoy ko ng walang bawal bawal.

"Wait, paano napirmahan 'to? Ang pagkakaalam ko ayaw niya akong magtrabaho doon." Takang tanong ko, kasama kasi sa mga papel na hawak ko ngayon ay iyong resume na ipinasa ko sa kanya noong last naming pagkikita.

Castillion Brothers Series 3: Third CastillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon